Matagal-tagal na ring negosyo ni Sherilyn Reyes ang pagbebenta ng luxury bags. Ayon sa aktres ay na-swindle at humarap na rin siya sa matinding pagsubok dahil sa ganitong hanapbuhay mahigit isang taon na ang nakalilipas. “For two years I was dealing with them, maayos naman. ‘Yung tao biglang naging part ng kompanya na ‘yon. It so happened na lately na lang namin nalaman na ‘yung kompanya na ‘yon pala bukod sa mayroon silang store ng mga bag ay mayroon din silang pawnshop. So ang ginagawa, pinapasok muna sa pawnshop ang mga bag kung hindi mabenta. Hanggang sa binitawan nila ang babae, tapos dini-deny nila na part ng company, ganyan. So naremata ang mga bag. Kasi biglang pinapabayaran sa kanya ‘yung interest which hindi niya ginagawa before,” pagdedetalye ni Sherilyn.
Dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng problemang pinansyal ang pamilya ng aktres dahil sa milyon din ang halaga ng mga narematang bag. “Malaking halaga talaga. I’m very humble enough to say na talagang gapang. We are struggling talaga. nakakaiyak naman, pero totoo. May nagsabi sa akin na ‘Oy! Sa TikTok hindi ka mukhang mayroong problema. Well, there are times when nade-depress talaga ako because I blame myself. I blame myself kasi ako ang ka-deal. Nag-trust ako lalo na nag-pandemic,” emosyonal na pahayag ng aktres.
Todo naman daw ang suportang ibinigay ng asawang si Chris Tan kay Sherilyn. Ramdam din ng aktres ang pagmamahal mula sa kanyang mga anak nang humarap ang kanilang buong pamilya sa problema. “Nandoon ‘yung nag-beg kami, puwede bang ma-extend. Si Chris kinausap niya lahat for me siguro para to spare me sa kahihiyan but then again kagagawan ko. Nakita niya kung paano ako nade-depress, grabe ang anxiety ko. Parang inako niya lahat. Si Ryle (Santiago, panganay na anak ng aktres) is such a big help. Actually lahat ng mga anak ko. They are all helping talaga kasi every challenge that comes we solve it as a family,” paglalahad niya.
Hanggang ngayon ay nagbabayad pa rin si Sherilyn ng utang dahil sa nangyaring panloloko sa negosyo noong 2019. “Until now we’re struggling to pay all our suppliers for the responsibility that’s not even ours. Mas importante na we’re complete, we’re happy, we’re healthy. Although talagang struggling to earn money, that’s very true. Ang sakit na ‘yung kinikita mo ay napupunta sa utang na hindi mo naman utang. Noong nangyari ‘yon akala ko mamamatay na ako. Nabingi ako, hindi ako makakain. Dinadaan ko na lang sa TikTok kasi stress reliever siya,” pagtatapos ng aktres.
Jona, choosy sa lovelife
Natuto na si Jona pagdating sa pakikipagrelasyon dahil sa mga naging karanasan noon. Ngayon ay walang kasintahan ang singer at ini-enjoy lamang ang pagiging single. “I don’t want to waste time or play games anymore. ‘Yung pangyayari noon ay lesson learned po. Kumbaga may ilang tao na kailangang pagdaanan ang masasakit or mapapait na experience for you to really learn. So I guess from that experience doon po talaga ako fully naging woke na na-realize ko ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin,” makahulugang pahayag ni Jona.
Para sa singer ay wala namang masama sa pagiging pihikan sa lalaki o sa pakikipagrelasyon. “During these developing years, nalalaman ko po ‘yung personal kong gusto, kumbaga standard para sa future na mamahalin ko if ever. It’s okay to be choosy. Kasi you only deserve the best. Dapat hindi po tayo nagse-settle sa less,” katwiran ng dalaga. Reports from JCC