Sam Pinto 2 beses ikakasal sa jowang basketbolista this 2021

Pre-nup shoot nina Sam Pinto at Anthony Semerad sa Laiya, Batangas
Mula sa mga Instagram accounts nina Sam Pinto at Anthony Semerad

MANILA, Philippines — Not once but twice magpapalitan ng "I do" ang aktres na si Sam Pinto at kanyang nobyong basketbolista na si Anthony Semerad ngayong taon, kanilang paglalahad sa isang social media post nitong Miyerkules.

Ayon kay Sam, na unang nakilala noon bilang contestant sa "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009, plano muna nilang magpakasal sa huwes pagsapit ng ika-8 ng Marso, 2021.

Susundan naman daw 'yan ng mas malaking kasalan bago matapos ang taon, pero wala muna silang ibinabahaging petsa sa "part 2" ng kanilang pag-iisang dibdib.

"We’re actually going to do a civil wedding first. This date has been set pre covid. And everything/everyone was booked already... That’s why we’re still pushing through even with a VERY small civil wedding (literally like 4 guests lol)," ayon sa aktres.

"We’ll have a semi bigger wedding end of this year with our loved ones present."

 

 

Ibinahagi ni Sam ang naturang impormasyon kalakip ng kanilang pre-nuptial shoot na ginawa sa Acuatico Beach Resort and Hotel Inc. sa Laiya, Batangas. 

"So excited to be marrying my best friend," wika naman ni Anthony kahapon sa hiwalay na Instagram post.

 

 

Kilalang manlalaro ng NLEX Road Warriors para sa PBA si Anthony, na merong Filipino-Australian-Czech heritage.

Kasama rin niya sa parehong koponan ang kambal na kapatid na si David, na dati niya ring naging teammate sa San Beda noong 2009.

"Claiming this is our year! Only peace, happiness, blessings and positive vibes! Everything that is happening is suppose to happen," panapos ni Sam.

Show comments