^

PSN Showbiz

Regine Velasquez COVID-19 'close contact,' concert ipinagpaliban

Philstar.com
Regine Velasquez COVID-19 'close contact,' concert ipinagpaliban
Litrato ni "Asia's Songbird" Regine Velasquez
Mula sa Instagram account ni Regine Velasquez

MANILA, Philippines — Postponed muna ang paparating na digital concert ni "Asia's songbird" Regine Velasquez matapos mapag-alamang nakasalamuha siya ng isang coronavirus disease (COVID-19) patient kamakailan lang.

Ibinahagi ito ng Kapamilya Network apat na araw bago ang  "Freedom: Region Velasquez-Alcasid Digital Concert," na mangyayari sana sa Valentine's day.

Basahin: What you need to know: 'Freedom: The Regine Velasquez Valentine Digital Concert'

May kinalaman: Concert ni Regine minurahan lang ang ticket

"Regine was recently exposed to someone who tested positive for COVID-19 and she is now in quarantine," ayon sa pahayag ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications, Miyerkules.

"We apologize for any inconvenience that this may have caused... The health and safety of our artist and staff is our priority and we are tahnkful for your support and understanding."

 

 

Aniya, kikilalanin pa rin lahat ng mga ticket na nabili ng fans. Sasabihin na lang daw ng management kung kailan ang bagong "Freedom" concert schedule.

Pagtitiyak naman ni Regine, 'wag mag-alala ang publiko lalo na't okay naman daw siya at ang kanyang pamilya.

"Ok ako at ang family ko so don’t worry. We will announce the concert date as soon as possible. Thank you so much for your understanding," sabi ng mang-aawit.

 

 

Wala pa namang pahayag ang singer-actor niyang asawa na si Ogie Alcasid kung naka-quarantine din siya sa ngayon. 

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) noong Martes, umabot na sa 540,227 ang tinatamaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, patay na ang 11,296. — James Relativo

CONCERT

NOVEL CORONAVIRUS

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with