Wala pang inilalabas na statement ang magkasintahang Vin Abrenica at Sophie Albert, pero nakikita na sa kanilang Instagram post na nagsasama na sila sa iisang bubong.
Wala namang napabalitang nagpakasal na sila, dahil ang napapag-usapan ay ang diumano’y pagbubuntis ni Sophie.
Maaaring ayaw na lang nilang pag-usapan at bahala nang unawain kung ano ang status nila ngayon dahil open na silang magkasama na sila at masaya nilang ibinahaging malapit nang matapos ang kanilang bahay.
Sabi ni Sophie sa kanyang IG account na ipinost noong nakaraang Sabado; “Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!! One of the reasons why we’ve been so MIA is cause it has been quite a stressful process trying to get our home ready and finished. It’s moving a lot slower than we expected, but we’re hopeful that our home is coming together veeery slowly, but surely! Konti na lang! Kapit lang!! (praying emojis)”
Wala na siyang ibang binanggit tungkol sa kanyang tunay na kalagayan.
Marami sa mga kaibigan nilang nag-comment sa post na iyon na masaya sila para sa kanilang dalawa.
May comment pa si Nicole Donesa na sinagot pa ni Sophie ng “neighbors soon.” Si Sophie ang isa sa piniling mag-ninang sa Baby Corky nila ni Mark Herras.
Sabi naman ni Vin sa kanyang IG account; “If you saw @itssophiealbert ‘s post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh. Wala na so eto na lang, to vlog or not to vlog? Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay!! Yahoo!”
Halos magkapareho ang litratong ipinost nila na nasa likod si Sophie at natatakpan ang tiyan nito.
May ilang nagku-comment din na tingin daw nila ay preggy ito at hinihintay na lang daw nila ang big announcement.
Abangan na lang natin!
Mga artista, mas pabor sa saliva swab test
Talagang nagiging bahagi na sa taping at shooting ang swab test na madalas ay PCR-RT Antigen test dahil mabilis na makuha agad ang resulta. Karamihan sa mga artista at production staff ay sanay na sanay nang natutusok ang ilong nila na ang iba ay sobrang nasasaktan.
Ngayon ay hindi na gaanong mahirap dahil puwede na ang COVID saliva swab test.
Mas gusto na nilang mula sa laway dahil hindi masakit sa ilong.
Kaya kung niri-request ang swab test bago magsimula ang project, saliva swab test ang niri-request ng mga artista.
Heto lang ang dapat gawin bago ka dumaan sa Saliva Swab Test;
Isang oras bago magpa-test, dapat wala kang iinumin na kahit ano. Huwag kumain, huwag mag-chew ng gum, huwag manigarilyo at huwag mag-toothbrush, dental floss o mouthwash.
Bahagi na talaga ito sa bagong normal ng ating trabaho sa ngayon.