Kino-construct na ang animal shelter na paglilipatan ni Jona ng mga inaampon niyang mga aso at pusa.
Hindi naman umano kalakihan ang lugar, simple lang daw pero importanteng may access sa malinis na water. “Wala pa po kasi doong malinis na access sa tubig, walang kuryente, so ‘yun po talaga ang kailangan pa naming i-workout talaga,” sabi ni Jona kahapon sa media conference para sa kanyang Valentine concert sa YouTube - YouTube Music Night, Love, Jona, sa Saturday, Februry 6, 8 p.m. na mapapanood ng libre.
Plano rin niyang magpatayo sa compound ng nasabing animal shelter ng maayos na lugar para sa magiging caretaker nito. “Nakakatuwa rin po at the same time, na magiging animal shelter, puwede rin naming gawing rest ‘house’, kami po pag gusto naming magbakasyon from work, we’ll just go there and mag-ano, huminga, kasi sobrang secluded po siya, kasi sa itaas po talaga ang kabundukan. So ‘yun po, napakagandang place ang nakuha namin.
“Hopefully, in a matter of days or weeks, makakalipat na rin doon ang cats and dogs ko,” kuwento pa ni Jona kahapon na aminadong hindi nakaramdam ng fear kahit nagkaroon ng pandemya at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.
Pakiramdam niya raw kasi ay babalik din naman sa normal ang lahat. “Hindi naman po ako nag-worry. In-entrust ko na sa Diyos. Hindi rin ako natakot o naapektuhan. Mas naapektuhan ako para sa ibang tao,” dagdag niya.
Samantala, aminado ang singer na wala siyang ka-Valentine. Ayaw daw kasi niyang magsayang ng oras.