MANILA, Philippines — Pagkatapos ng kanyang 14-day quarantine, hinarap agad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang recording session.
Post ni Queen Cat on Instagram: “First day out of quarantine went something like.”
Si Jungee Marcelo ang kanyang music producer at ang nire-record na awit ni Catriona ay ang song na Bagani na composition ni Roel Rostata.
Pinuri ni Marcelo ang husay ni Catriona sa pag-awit: “This girl can saaaang, galing!”
Ayon sa YouTube page ng PhilPop MusicFest Foundation, “Bagani is a product of the PhilPop Bootcamp 2019 and is in partnership with the National Quincentennial Committee, the National Historical Commission of the Philippines, and the National Commission for Culture and the Arts.”
Isang reason kung bakit ni-record ni Catriona ang Bagani dahil siya ang magli-lead sa unveiling ng newly renovated na Metropolitan Theater this February in celebration of National Arts Month.
Si Queen Cat ang ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ang gagawin nilang event ay may temang Alab-sining, Alay-sigla.
Nagpasalamat ang NCCA kay Catriona dahil tinanggap nito ang pagiging ambassador for free. “We thank her for helping us. Actually we cannot afford her talent fee. It’s just that she genuinely loves the arts and believes in what we’re doing because she’s also an artist. I’m really impressed with her, maka-Pilipino talaga, truthful, mababa ang loob and she loves people. I’ve met a lot of beauty queens pero pambihira si Catriona,” sey ni NCCA chairman Nick Lizaso.
Divine, muntik mawalan ng pag-asa
Dahil sa COVID-19 pandemic, inisip ng Kapuso comedian na si Divine Aucina na mag-iba ng career. Tulad ng ibang artista, halos isang taon na walang trabaho si Divine kaya muntik na itong mag-give up sa kanyang showbiz career.
Salamat daw sa vlogging at livestream shows, nabuhayan daw ulit si Divine dahil nagkaroon siya ng following sa mga naturang platforms. Sinabayan pa niya ito ng pag-post ng mga pa-sexy pictorials ala-Ivana Alawi!
“True enough, livestream shows expanded to series. ‘Yang kaka-post ko ng mga food vlogs na ine-edit ko sa phone alone for five hours or so, landed me TV guestings.
“‘Yang photoshoot ko na ‘yan na may singit helped me with bigger projects,” tawa pa ni Divine.
Kaya thankful si Divine na nabigyan siya ng dalawang TV shows agad sa GMA 7 dahil sa pagtitiyaga niyang maghintay.
’70/‘80s singing sweetheart, lumakas sa cannabis
Bumalik sa singing pagkatapos ng maraming taon ang ‘70s and ‘80s singing sweetheart na si Olivia Newton-John.
Kasalukuyang nagpo-promote si Olivia ng song na Window in the Wall kasama ang daughter na si Chloe Lattanzi.
Sa show na Extra, tinanong si Olivia kung ano nakapagbago ng isipan niya at muli siyang bumalik sa pag-awit? Sagot ng singer-actress: “I was so moved by it and compelled to record it, and asked Chloe if she would sing with me.”
Ayon naman kay Chloe, ang song ay may reference sa nangyayari ngayon sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic: “There’s just so much pain and misunderstanding and miscommunication. I think being isolated doesn’t help the situation.”
Pinapanatiling healthy ni Olivia ang kanyang pangangatawan pagkatapos itong lumaban ng ilang beses sa sakit na cancer. Malaking tulong daw rito ang cannabis or hemp na isang cultivated plant for non-drug use.
“Cannabis has been such a healing thing for me. I’m thriving,” sey pa ni Olivia.