MANILA, Philippines — “I had to punch my way to victory every time,” sey ni Sen. Manny Pacquiao na 26 na taon na sa kanyang pagiging professional boxer.
Kaya naman proud na proud na ibinahagi ni Pacquiao ang kanyang mga narating sa larangan ng sports sa kanyang recent social media post. (https://www.facebook.com/MannyPacquiao/videos/1311706672537110, https://www.instagram.com/p/CKVWnccJq7t/)
Ani Pacquiao, «26 years. 62 wins. 39 KOs. 12 major world titles. I had to punch my way to victory every time. Before that, I had to train. More days than that, bugbog ako...»
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang kuwento ng buhay ni Pacquiao. Ilang beses na rin itong naging paksa sa kanyang mga interview, naging pelikula na rin, kung saan ikinukuwento niya ang hirap ng kanilang buhay habang lumalaki at nagkakaisip siya sa General Santos City.
Unang nagpakita ng interes sa boxing si Pacquiao dahil sa sa premyong nagkakahalaga ng P50. Nang mga panahong iyon, ang kilo ng bigas ay nasa P6.00. Naging motivation ito ni Pacquiao dahil nais niyang makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya.
Isang tiyuhin ang nagpaliwanag sa batang Pacquiao kung ano ang boxing. “Wala talaga akong alam sa boxing. ‘Yung uncle ko ang nagsabi sa akin na boxing ‘yun na may world champion, may Philippine champion…
“Pinapanood namin ‘yung laban ni Mike Tyson noong araw. Sabi sa akin, ‘Ano kaya maging ganyan ka, may belt ka rin, makilala ka. Mag-champion ka sa buong mundo.’”
Bagay na nagkatotoo na nga! Kahit Hollywood stars at sikat na athletes napabilib niya.
Ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng hindi matatawarang karangalan sa bansa.
Banggitin mo lang ang katagang “Pacman” sa sinumang banyagang kausap mo at bingo kasunod na pag-uusapan ay ang Pilipinas.
Hindi nga biro ang haba ng taon na tinakbo ng karera ni Pacquiao. Mas lalong hindi biro ang hirap ng training at sakit ng katawan niya sa tuwing tutungtong siya sa loob ng boxing ring.
Pero paano ba nagawa at patuloy na ginagawa ni Pacquiao ang lahat ng ito? Isang tanong na sinagot din Pacquiao sa kanyang post.
“My secret is speed - in my punches and pain recovery. Most of all, it’s my family and friends, my fans, my coach and team, and my partner Ibuprofen + Paracetamol (Alaxan FR), kasama ko sa laban since 1995,” aniya.
Nakakatuwang isipin na hindi nakakalimutan ni Pacquiao ang mga tumulong sa kanya sa simula pa lang ng kanyang karera.
Ang Alaxan FR ay isang pain reliever na gawa ng Unilab, Inc. (Unilab), na kombinasyon ng Ibuprofen at Paracetamol na panlaban sa sakit ng katawan – bagay na alam na alam ni Pacquiao at patuloy niyang nilalabanan.
Kaya sobrang relatable ang katagang #LabanLang na kasama sa post ni Pacquiao. Bukod sa ito ang tagline ng nasabing gamot, ito rin ang kanyang mantra sa kanyang mga pinagdaanan.
Masasabing si Pacman ay animo ng isang mandirigma na marami nang inaning tagumpay sa mga hamon ng buhay.
Speaking of hamon, wala pa ring opisyal na anunsiyo tungkol sa pinag-uusapang laban ni Pacquiao kay Conor McGregor ngunit marami na ang nag-aabang nito.
Huling laban ni Pacquaio ay noong Hulyo 2020 kay Keith Thurman kung saan naiuwi niya ang WBA welterweight crown.
Nito namang Enero 25 ay may lumabas na balita tungkol sa possible niyang maging fight laban sa Amerikanong boksingero na si Ryan Garcia na nag-post sa kanyang social media account. Ang kampo naman ni Pacquiao ay nagsabing ang senador ay kasalukuyang abala at nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipino upang makabangon mula sa pandemya.
Well, tuloy man o hindi ang inaabangang match, isa lang ang sigurado, tuloy ang laban sa buhay ni Pacquiao, para sa sarili, para sa pamilya, at para sa Pilipinas.
Bukod sa kanyang laban sa boxing inaabangan din sa kasalukuyan ang magiging laban niya diumano sa 2023.