Edu, ayaw magsalita sa kasalang Luis-Jessy
Ayaw gaanong magsalita ni Edu Manzano kapag tungkol na sa wedding plans nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang napapag-usapan.
Sandaling nakatsikahan namin ang aktor sa presscon ng Mamasapano: Now It Can Be Told noong nakaraang Lunes na kung saan ginunita ang Mamasapano Massacre anim na taon nang nakaraan. Naka-walong araw na palang shooting doon si Edu pero may ilang araw pa raw siyang isu-shoot na mga mabibigat na eksena na.
Noong nakaraang presscon ay lumabas na ang pre-nup video nina Luis at Jessy kaya ang duda ng karamihan malapit na raw ang kasal.
Sabi naman ni Edu, wala pa raw sinasabi sa kanya, pero ngayong taon na ito. “Inaayos pa naman nila ang actual date,” pakli ni Edu.
“In every step of the way naman informed kami ng Mommy niya. Pero siyempre we’re more to silence. It was not us to share to others kasi ‘yun ang special day nila,” safe na sagot ni Edu.
Lahat daw na pagpaplano ay ipinaubaya na raw nila sa kanyang anak dahil nasa tamang edad na sila at mas alam na raw nila ito.
“Basta kami, matanda na kami ng nanay niya. Makikikain na lang kami,” sagot sa amin Edu.
Mga sinulat na kanta ni Diego, ‘di bagay kay Janine
Kung hindi lang nagkapandemic, tuluy-tuloy na sana ang singing career ni Diego Gutierrez sa Amerika.
Ang tiyuhin niyang si Mark J. Feist ng Hitmakers Entertainment ang nagkumbinsi kay Diego na mag-record doon sa Amerika ng mga nagawa niyang kanta, pero dahil sa pandemya hindi ito natuluy-tuloy pagkatapos ng mga nauna niyang nai-record.
Pero itinuluy-tuloy pa rin niya ang pagsusulat ng kanta, at kasama ang kanyang classmate at childhood friend, nakagawa siya ng kantang On a Dream noong bandang April at ini-record niya ito.
“Bago dapat nag-pandemic pupunta ako dun para ituloy ko ang pag-record, pero since nag-cancel ang mga flight at hindi natuloy sa States, kinakailangang magsulat ako ng kanta rito.
“Mga April namin sinulat ‘yung bago kong kanta ‘yung On a Dream together with my friend since grade school na music producer din siya rito, up and coming siya.
“Kasama rin dito sa song si Mr. Eric Walls. He’s been a guitarist before nina Beyonce, Janet Jackson, Michael Jackson.
So, sobrang honored ako na kasama siya sa kantang ito na first release ko,” pakli ni Diego sa virtual mediacon para sa nalalapit na release ng single na ito.
Sa February 5 na iri-release itong On a Dream sa Spotify, Apple Music, Amazon at iba pang digital music service.
Maraming nagawang kanta si Diego at balak niya every six weeks ay magri-release siya ng bagong kanta. Open din daw siya sa collaboration o kaya bigyan ng kanta ang ilang artist. Bagay nga ang mga nagawa niyang kanta kay Rayver Cruz na magaling din palang kumanta.
Hindi raw kasi bagay sa Ate Janine niya ang mga sinulat niya. ‘Yung mga idol ko sina Ed Sheeran, they also write songs for other people. Eventually siguro magagawa ko rin po,” saad ni Diego.
Hiningan nga namin ng reaksyon si Rayver na nagi-enjoy na rin sa pagkanta sa All-Out Sundays. Natutuwa siya para kay Diego.
“Matagal ko na siyang pinu-push na tahakin ‘yun kasi dati pa lang naririnig ko na siya na kumakanta, mahusay siya talaga,” sagot sa amin ni Rayver.
Nabentang ticket ng Anak ng Macho... padded?!
Mapapanood na sa KTX.Ph ngayong gabi ang pelikulang Anak ng Macho Dancer na first venture ng Godfather Productions ni Joed Serrano.
Excited na kinukuwento ni Joed na malakas ang bentahan ng tickets online kahit ang mahal ng presyo nito - P690 per ticket, samantala ang iba ay wala pang P200. Sabi ni Joed, mas mabenta raw sa ibang bansa.
Sa halagang P690, halos 14 US dollars lang ito, kaya magaan lang ito sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Pero may ilang nagtaas ng kilay sa lumabas nilang statement na umabot daw ng 100K tickets ang nabenta.
So, tumataginting na 69M ito, at kumita na sila ng malaki.
Ang daming ayaw maniwala sa sobrang lakas nito. Pero hindi lang pala sa KTX kundi pati sa TicketNet Online at TicketWorld ay nabebenta rin ito.
Sabi ni Joed, marami pa raw sanang gustong bumili pero nahihirapan daw silang bumili online. Aniya; “Walang halong etchos, malakas ang benta niya, pero mas marami ‘yung complain. Kasi, step by step sa pagrehistro sa KTX.”
Pero ayon naman sa ilang reliable source namin, parang hindi raw kapani-paniwalang 100K tickets na ang na-dispose nito dahil ang nakuha pa lang daw nilang record sa KTX ay mahigit 4K tickets pa lang daw ang nabenta.
Okay na rin ‘yun! Halos tatlong milyon na rin ‘yun na mahirap talagang kitain sa panahon ngayon.
- Latest