Mga aso, parang tao ang emosyon ‘pag nahihiwalay

Lolit at Chabita

Ito, Salve, si Chabita, ang aking English bulldog na nagbigay na naman ng isang aral sa akin sa nangyari sa kanya.

Nagkaroon ng UTI si Chabita at kailangang operahan ni Dr. John, ang vet doctor ng aking doggies. So stay siya ng around 10 days - pre and post-operation sa clinic ni Dr John.

Siyempre in pain siya at siguro feeling abandoned dahil bigla siyang napunta sa clinic, pag-uwi niya sa bahay, parang nalumpo siya at hindi na makalakad. Talagang hinihila na lang niya ang lower part niya dahil hindi na maigalaw ang dalawa niyang paa.

Ginamot siya ni Dr. John and voila, parang miracle na after two weeks ay nakakalakad na siya.

Natawa nga ako dahil sabi ng pamangkin ko, baka tulad ng maltese male dog na ibinigay ni Alfred Vargas na binigyan ko ng pangalang Mutya eh male siya, namatay daw sa embarassment dahil ang name niya ay pambabae. Baka raw kaya nagkasakit si Chabita dahil male dog siya pero ang name niya pang-girl, hah hah.

But kidding aside, siguro nga parang isang tao, na ‘pag wala sa comfort zone niya ay nagiging weak ganundin ang ating pets. Siguro ‘yung feeling of abandonment, nagpapahina ng kanilang loob.

Siguro, like human beings, they feel protected with people they love and trust.

Now Chabita is doing well, at kahit girly name niya, tanggap na niya, tutal mukha naman siyang macho, ‘di bah?

Arjo, manggugulo sa pulitika?!

Magugulo ako ‘pag natuloy ‘yung mga balita na papasok sa pulitika si Arjo Atayde. Kasi ang balita ay baka sa 5th district siya tumakbong congressman, eh friend ko si Sylvia Sanchez pero siyempre kay PM Vargas ako na kapatid ni Alfred. Kasalukuyang councilor ng Quezon City si PM, batang kapatid ni Alfred na siya ngayong nakaupo as congressman.

Kung maglalaban sina Arjo at PM, kay PM ang suporta ng buong household ko dahil nakita ko ang competence niya as councilor, meron na siyang experience at talagang dedicated sa kanyang trabaho.

Sana sa ibang distrito na lang si Arjo para hindi sila maglaban.

Show comments