Catriona, Maja at Piolo, malaki ang naraket, Mr. M, pinagdududahang nasaktan ang ego!
Whoaa P600,000 pala per episode ang talent fee si Direk Johnny Manahan sa tsinuging Sunday Noontime Live. Yup, as in more than half a million diumano ang suweldo nito per episode sa nasabing tsinuging programa na isa sa pinag-usapang isyu kahapon sa episode 85 ng Take It... Per Minute, Me Ganun! nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.
Yup, ganun daw kalaki kaya sa three months, P7.2 million diumano ang kinita nito sa programa na ang producer ay ang bilyonaryong negosyanteng si Mr. Albee Benitez ng Brightlight Productions.
Kay Mr. M pa lang daw ‘yun ha, wala pa ang gastos sa production.
At ang suweldo raw nina Piolo Pascual, Maja Salvador and Catriona Gray triple sa suweldo na kinikita nila noon sa ABS-CBN na ang nag-negotiate pala ay ang Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo na siyang line producer ng mga programa ng Brightlight.
Nang may magtanong na viewer kung masasabi ba nilang naloko si Cong. Albee, outright ang sagot ni Nay Lolit na kilalang malapit kay Cong. Albee na “yes naloko / niloko siya.”
Nakarating pa kay Nay Cristy, na nang hinihingan din daw ng liquidation ang production, walang ibinibigay ang mga ito sa Brightlight.
Kahit nga si Mr. Fu ay nawindang sa mga binabanggit na talent fee ng mga artistang kinuha nila para sa Brightlight na grabe pala kahit walang franchise and ABS-CBN at may pandemya pa.
Anyway, feeling nila, ego talaga ni Mr. M ang nasaktan sa nangyari dahil sa ginawa nitong sunud-sunod na interview na animo’y bitter na bitter nga naman sa pagkakasibak ng kanilang programa after three months. Eh wala na nga naman siyang dapat patunayan sa industriya.
Henyo naman talaga siya pagdating sa musical variety show.
Anyway, isa pang pinag-usapan kahapon sa TIPMMG ay ang tungkol kay Ian Veneracion na common knowledge na diumano na hindi na sila ng kanyang wife na non-showbiz. Pero hindi pa nagsasalita si Ian tungkol dito.
Nali-link diumano ito sa starlet na walang makaalala sa pangalan.
Hahahaha.
Anyway, ‘yan at marami pang iba ang hinimay-himay na isyu ng Best Digital Entertainment Talk Show ng GEMS (Guilds of Educators, Mentors and Students) Hiyas Ng Sining Awards na kinaaliwan talaga ng mahihilig sa tsismis lalo na ang mga kababayan natin sa abroad na naghahanap ng paglilibangan.
Kaya sa mga hindi pa nakapanood, maki-Team Replay sa Facebook Page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.
- Latest