Tonton,feeling safe dahil sa health insurance

Tonton
STAR/ File

Hanga ako sa health protocols at insurance na binibigay ng mga production sa kanilang talents at staff na naka-lock in ha. Bongga, talagang mula sa swab test, insurance, health needs ay binibigay nila. Dagdag gastos pero ok na lang kesa naman magkaroon ng aberya dahil may tinamaan ng COVID-19.

Tuwang-tuwa nga si Tonton Gutierrez na ang bawat project niya meron siyang health insurance, kaya feeling safe na safe raw siya.

Ay naku, talagang dagdag gastos sa production kaya hindi nakapagtataka na less tao sila sa bawat project dahil nga sa laki ng gastos.

Pati accommodation at pagkain, bongga. Kaya naman ingat na ingat na ngayon sa paggawa ng projects, kailangan sure ball na magi­ging tagumpay at dapat hindi malugi.

Mga bagets, hindi pa talaga dapat lumabas

Tama naman ‘yung desisyon na huwag munang payagan ang mga bata na lumabas. Imagine mo na wala nga sila sa school, online classes nga tapos lalabas naman para mag-mall o playground.

Ngayon pa nga na parang lalo pang dumarami ang cases ng COVID-19, at mukhang kahit may bakuna hindi pa rin nahihinto ang danger, mas lalong dapat mag-ingat. Nakakatuwa lang na parang nawala na ang takot, pero maingat pa rin ang lahat. Hanggang nariyan si CO­VID-19, hayaan na muna natin ang mga bata sa loob ng bahay, ‘yung mga matanda na lang ang lumabas at magtrabaho, pero ang mga bata safely at home na lang.

Tama diyan si Papa Digong na huwag munang payagan, at ‘yung mga bata mukha namang enjoy na sa loob ng bahay, kaya ok lang.

Happy Tuesday…

Siguro nga, Salve, happy day natin ang Tuesday. Hindi ba parang all week long boring pero pagdating ng Tuesday dahil sa Take It… Per Minute, Me Ganun ng 12 to 1 ng hapon sa Facebook at YouTube, bigla tayong nagiging active na active nina Cristy Fermin at Mr. Fu.
Pati nga sina Tina Roa at Japs Gersin ay maaga ang gising dahil kasama sila ni Cristy na pumunta sa Obra ni Nanay para sa show.

Show comments