^

PSN Showbiz

Have a peaceful journey…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Have a peaceful journey…
Larry

Dalawang icon ang namatay lately. Si Tony Ferrer na father ni Maricel Laxa at ang favorite TV anchor ko na si Larry King. Para tala­gang ‘yung pagpanaw ng isang tao kahit pa sabihin mo na matanda na ay nakakagulat pa rin ‘pag narinig mo.

Si Atty. Ferdie Topacio talaga ang taga-text sa mga kilala niya para ibalita ang mga nauna nang uma­lis sa mundo. Hanga ako sa galing ng tao ni Atty. Ferdie na talagang nauuna pa pagdating sa balita. Kung minsan nga, iisipin mo na para bang may-ari ng funeral parlor si Atty. Ferdie dahil alam niya agad ang mga namatay. Hahaha.

Naaalala ko na naman na paborito kong panoorin sa CNN si Larry King at napakahusay niyang host. At ‘yung panahon ni Tony Ferrer na siya si Agent X44 na heyday ng kanyang career.

To Tony and Larry, have a peaceful journey, God bless your soul.

‘Matibay Ang kontrol sa sarili...’

Napatunayan ko na talagang may mga tao na matibay o talagang buo ang self control para hindi pumatol kahit ano pang provocation ang ginagawa sa kanya.

Sa rami ng interview ni direk Johnny Manahan at sa dami ng issues na inilabas, tahimik lang at hindi sumagot si Papa Albee Benitez. Quiet lang siya, parang bakit kailangang sagutin, ako ang producer, ako ang gumasta at nawalan ng pera, karapatan kong i-cancel ang isang bagay na alam ko na patuloy lang magiging losing proposition for me.

Tuluy-tuloy ang interview ni direk Johnny Manahan, si Papa Albee, isang interview lang ang ginawa, pinagbigyan niya lang si Ricky Lo ng The Philippine STAR na lalabas sa Tuesday at ayaw na niyang magsalita pa.

A true gentleman, a real businessman, kaya siguro nonchalant lang siya sa mga pangyayari. What a way to know the in and out of showbiz, ang laki ng ibinayad na matriculation fee ni Papa Albee Benitez.

LARRY KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with