MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, ipalalabas sa ibang television network ang tanyag na musical variety show ng Kapamilya network simula Linggo, ika-24 ng Enero, 2021 — sa pagkakataong ito, sa Kapatid Network.
Kasabay ito ng pagsa-simulcast din ng isang movie block ng ABS-CBN na siyang nagpapalabas ng mga pelikula ni "Hari ng Aksyon" Fernado Poe Jr.
GOOD NEWS! Mapapanood na rin ang "ASAP Natin 'To" at ang "FPJ: Da King" sa TV5 simula ngayong Linggo, Enero 24. pic.twitter.com/FKE9TsDVLe
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) January 21, 2021
"'ASAP Natin 'To,' the Philippines' longest-running musical variety show, and 'FPJ: Da King," will now be seen on TV5 beginning this Sunday, 24 January 2021 at 12:00 nn," ayon sa ABS-CBN, Huwebes.
Ipapalabas naman ang "FPJ: Da King" para sa mga fans ng pelikulang Pilipino tuwing Linggo, mula 2 p.m. hanggang 4 p.m.
Nangyayari ito matapos ikansela ng TV5 ang sarili nilang musical variety show na "Sunday Noontime Live (SNL)" at hindi ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
May kinalaman: TV5 shows bid goodbye reportedly due to poor ratings
Basahin: Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal
Kasama sa mga lalabas sa TV5 ang long-time ABS-CBN performers na sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Erik Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.
"This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership," ani Robert Galang, president at CEO ng Cignal at TV5.
"The airing of ASAP and FPJ's movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible."
Dagdag pa ni Galang, welcome na welcome ang "ASAP" family at ang mga naturang pelikula sa Cignal at TV5.
Aniya, magandang salubungan ito ng top-rated content at kalakasan ng Cignal at TV5 sa teknolohiya, direct-to-consumer distribution at mobile and broadband reach.
"The future of entertainment media is rapidly converging around a a dynamic mix of traditional and digital platforms, with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods," patuloy ni Galang.
Kasalukuyang ipinapalabas ang ilang shows ng ABS-CBN gaya ng "FPJ's Ang Probinsyano" sa A2Z Channel 11.
Sa ngayon, ilang panukalang batas ang inihain sa Kamara at Senado na layong magbigay ng panibagong legislative franchis sa ABS-CBN, gaya na lang ng i-finile ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.