^

PSN Showbiz

Nadine natakot malaos, nawala sa sarili

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine natakot malaos, nawala sa sarili
Nadine
STAR/ File

Aminado si Nadine Lustre na nakararamdam ng takot na malaos dahil wala na masyadong ginagawang proyekto mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Mapapanood ang naging pahayag ng aktres tungkol dito sa YouTube channel ni Angie Mead. “So we were all locked in, right? And then I just came from months of like stress, pressure and all that. I wasn’t getting as much projects. So I had not much work. I was really struggling. I was thinking to myself na parang wala akong work. So I might you know, eventually be a ‘has been’ or you know, that kind of thing,” pagtatapat ni Nadine.

Maraming mga bagay ang sumagi sa isip ng aktres noong nakaraang taon dahil na rin sa dulot ng pandemya. “During the pandemic, I had a lot of time to think about what it is that I really want and then a lot of things happened. I would have conversations with myself and I would always tell myself to just take your time, there’s no rush. The world’s not going to end tomorrow. Kasi the last five years I’ve been grinding lang like everyday working non-stop, always busy, no pause. So there’s really no time to think what it is that you want and who you really are. I was  busy and doing a lot of roles and I have people in my ears telling me what I should be, what I should wear. Aside from that, there are people online telling me, ‘Dapat hindi ganyan, dapat ganito.’ It affected me so much that I lost myself. I didn’t know who I was. I didn’t know what I want. Parang I was just lost,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Loisa at Ronnie, magpapakilig na uli

Maganda ang naging pasok ng 2021 para kina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Magbibida ang magkasintahan sa digital series na Unloving U na mapapanood na sa iWantTFC sa susunod na buwan. Masaya para kina Loisa at Ronnie ang mag-taping sa tinatawag ngayong new normal dahil sa safety protocols na ipinatutupad ng production team. “Sobrang saya nila katrabaho and ‘yung taping sobrang saya. Nakaka-miss magtrabaho,” bungad ni Ronnie.

“Nag-enjoy lang kami sa lock in taping. First time namin kasi after pandemic nga­yon na lang ulit kami nakapag-taping. Iba ‘yung experience pero sobrang enjoy kami sa set,” dagdag naman ni Loisa.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa tambalan nila ni Ronnie. Walang naging proyekto ang magkasintahan sa mga nakalipas na buwan at ngayong lamang muli makapagpapakilig sa mga manonood. “Maraming salamat sa inyo sa paghihintay. Hindi ba siyempre ang fans sobrang nabo-bore din sila kapag wala silang inaabangan sa mga iniidolo nila? Pero sobra kaming nagpapasalamat sa inyo kasi nandiyan pa rin kayo hanggang ngayon at mas dumarami ang fami­ly natin,” nakangiting pahayag ng dalaga.  (Reports from JCC)

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with