Wow, P100,000 pala per episode ang talent fee ni Billy Crawford para sa noontime show niyang Lunch Out Loud (LOL) na kasama sa natirang show ng Brightlight Productions sa TV5 ayon sa isang source.
Eh na-advance pa raw nito ang for one season sa programa para ipambayad sa ibang nahiraman niya, dagdag pa ng source.
Anyway, mahusay naman sa LOL si Billy at ito raw ang inaasahan ng Brightlight na magpapasok sa kanila ng additional income.
Samantala, ang super cute ng baby boy nila ni Coleen Garcia. As in pinanggigilan ito sa social media dahil sa kakyutan.