Totoo ang nabasa kong comment na dapat ang isang babae na nahiwalay sa tatay ng mga anak niya ay hindi dependent financially sa lalaki.
Kung lahat ay iaasa mo, para ring unfair na ginagamit mo ang mga anak n’yo para makahingi ng sustento. Dapat malakas ang loob mong akuin ang pag-aalaga at malakas din ang loob mo na kaya mo.
Oo at may responsibilidad si Jomari Yllana, anak niya ang dalawa, pero ikaw mismo na ina, why will you allow your electric bill na umabot ng P100K? Alam mo pala na baka mahirapan kang humingi o bigyan, bakit kailangang maging ganu’n kalaki ang babayaran mo?
Babae ako, my heart bleeds for Joy na ex ni Jomari, pero hindi ko papayagang ma-degrade ako na tinatanggihang bigyan sa hinihingi ko. Gagawa ako ng paraan para maayos ang finances ko, mabubuhay ako sa kaya ko lang. Hindi lahat naka-aircon, puwedeng electric fan lang, kung hindi ko kaya ang bayad sa kuryente, ‘yung mas mababa ang gastos ang gagawin at gagamitin ko.
Kasi sobrang emotional blackmail ang ginagawa ng mga bintang kay Jomari.
Dahil sa celebrity siya at isang pulitiko, dapat lagi na lang ingatan ang kilos niya. Kaya dapat ding nakikita natin ‘yung tama at ‘yung OA na istorya. Hindi puwedeng lagi lang ang babae ang tama, ang inapi, ang kailangang kampihan. Dapat din nating isipin na kung minsan ang lalaki ang hindi binigyan ng chance na maipakita kung ano ang tamang sitwasyon.
Pareho nilang ginustong magkaroon ng relasyon, hindi nagkasundo, bakit ngayon dapat magsiraan? Hindi ba puwedeng they talk like adults, na ilatag ang lahat sa tables at ayusin, at huwag munang mag-emotional blackmail?
Sa dalawa ang talo ay si Jomari, ‘pag nasira siya, sira na ang career niya, gusto ba ni Joy na lumaki ang mga anak nila na sira ang pangalan ng kanilang ama?
Dapat maging fair, dapat magkaroon ng justice. Pakinggan natin at tingnan kung ano ang tunay na pangyayari. Kahit para lang sa dalawang bata na anak nila.
Pandemya, mag-aanibersaryo na
‘Pag naiisip ko ang kasabihan na huwag mong problemahin ang isang bagay na darating pa lang, naiisip ko ang pandemic. Hindi natin nakita na darating ito, kaya siguro na-off guard tayo lalo na ang showbiz. Hindi nagkaroon ng Plan B kaya natagalan bago nakabangon.
Totoo naman na hindi dapat problemahin ang isang bagay na hindi pa nangyayari, pero dapat pala nakahanda ka sa anumang maaaring mangyari. Tingnan mo, ‘yung mga artista na walang ipon, nababaon ngayon sa utang dahil nga nag-feeling one-day millionaire, ang iba naman, hindi akalain na one day biglang mawawala ang mga trabaho, kaya hayun, ‘di matanggap na puwede pala silang itapon at hindi bigyan ng anumang work dahil sa kanilang attitude.
Reality check, acceptance, iyon ang nangyari sa lahat. Imagine mo na sa March, one year na ‘yung start ng pandemic? May vaccine na, ito na ba ang ending? Normal na uli? Sana naman, Salve, or else, mag-migrate na tayo sa province, lesser pa siguro ang problems.