Namayapa na rin pala ang author / novelist na si Elena Patron.
Nakilala siya noon bilang komiks writer.
Ayon sa post ng kasama sa panulat na si Mel Navarro, 87 years old na si Elena Patron na kasama sa mga nobela na naging pelikula ang Blusang Itim, Kapatid Ko Ang Aking Ina, Lord, Give Me a Lover!, Ako Si Emma, Babae, Kislap sa Dilim, Adult Kid, Mumay, Oras-Oras, Araw-Araw, Isinilang Ko Ang Anak Ng Ibang Babae, Pompa, Dalawa Ang Nagdalantao Sa Akin, Padre, Si Eba, Bago N’yo Ako Sumpain, Ligaw-Tingin, Halik-Hangin, Kape’t Gatas, Balbakwa, Bihagin Ang Dalagang Ito, Lord, Bakit Ako Pa?, Hinog Sa Pilit, and Nagbabagang Luha.
“It was a peaceful death. She died in her sleep,” ayon naman sa only son nito na si Ardee de los Angeles sa abs-cbn.com.
Samantala, nagpasalamat naman si Mariel Padilla sa mga nakimaramay sa pamilya nila sa pagkamatay ni Royette Padilla na nailibing na.
“Maraming salamat sa lahat ng nakiramay, sa lahat ng nag dasal at nakidalamhati sa pag panaw ni Kuya Royette. I admire the strength of the Padilla family.
“The pain they are going through is immeasurable but despite that they choose to honor and celebrate the colorful life of Kuya Royette,” post ni Mariel kahapon.