^

PSN Showbiz

PMPC, namili ng bagong opisyales

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
PMPC, namili ng bagong opisyales

Naghalal ng mga bagong opisyales ang Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang kanilang eleksyon noong January 8, sa mismong opisina ng club sa QC.

Ang kapwa entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.

Bukod kay Roldan, ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro – secretary at Mildred Bacud – assistant secretary.

Si Boy Romero pa rin ang treasurer ng club habang assistant treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla ang auditor at nahalal  namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia.

Ang board of directors ay binubuo naman  nina Sandy Mariano, Joe Barrameda,  Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon

Congratulations, mga kapatid.

PMPC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with