Kathniel, sabik magbakasyon sa Japan!
Magkasamang nagdiwang ng Bagong Taon ang mga pamilya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Boracay. Masayang-masaya ang magkasintahan dahil nakapagbakasyon nang ilang araw kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. “Fully recharged kami ni DJ (palayaw ni Daniel). Ang tagal na naming gusto magdagat, so ang saya namin pareho. ‘Yung family ko and sina Tita Karla (Estrada), do’n lang kami nagsalubong (ng Bagong Taon) hanggang birthday ni mama. Unang alis namin for this year kaya iba rin ‘yung excitement. Sobra naming na-appreciate lalo ‘yung lugar. Kasi dito lang tayo sa bahay magwa-one year na. Finollow lang namin ‘yung rules ngayon bago ka lumipad and then okay naman. kinailangan naming lahat ‘yung ilang araw na ‘yon. Iba ‘yung nagagawa ng dagat,” nakangiting kwento ni Kathryn.
Kung muling mabibigyan ng pagkakataong makapagbakasyon ay talagang pangarap umano nina Kathryn at Daniel na pumunta sa Japan. “We’re going to fly to Japan ‘pag normal na. Automatic nasa listahan namin ‘yon ng gagawin. That’s the first thing. Fly to Japan ‘pag pwede na,” giit ng dalaga.
Sa nalalapit na Valentine’s day ay wala pang plano ang KathNiel kung paano ito ipagdiriwang. “Wala pa kasi actually hindi namin alam kung magsa-start na by February ‘yung soap but parati naman naming sine-celebrate ‘yon may trabaho man o wala, sana wala. We make time kahit gaano man kasimple, to celebrate Valentine’s. Do’n ako pro na kahit gaano man kayo katagal, you should always celebrate Valentine’s day. Hindi reason ‘yung matagal na kayo tapos hindi na ise-celebrate,” pagbabahagi ng aktres.
Jairus, nilibang ang sarili para lumihis sa anxiety attack
Noong isang taon ay maraming beses nakaranas ng anxiety attack si Jairus Aquino. Ayon sa aktor ay talagang mahirap ang kanyang pinagdaanan noon dahil sa sobrang pag-iisip sa mga problemang kinakaharap.
Bukod sa kawalan ng trabaho dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay mas tumindi pa ang kalungkutan ni Jairus nang magsara ang ABS-CBN. Upang hindi magkaroon ng anxiety attacks ay sinikap daw ng binata na ibaling ang atensyon sa ibang bagay. “Pininturahan ko ‘yung bahay namin. Nag-bonding kami ng tatay ko at no’ng time na ‘yon, do’n lang talaga siya naging focus sa akin at naging tutok sa anxiety ko. Sabi ko, ‘Dad, pinturahan natin ‘yung buong bahay.’ ‘Sigurado ka? Tara!’ Kaya buong araw nagpipinta kami. Tapos araw-araw ‘yon. So na-divert ‘yung iniisip ko kaya okay kasi nagpipintura ako ng bahay,” pagdedetalye ni Jairus
Bukod sa pagpipintura ng sariling bahay ay naging abala rin ang aktor sa iba pang mga libangan. “Eventually bumuo ako ng gaming PC. Para ma-divert na talaga ‘yung attention ko. Tapos nag-start akong mag-gaming stream sa Facebook. So, ‘yon, buong araw nag-stream lang ako halos everyday. Nada-divert na talaga ‘yung atensyon ko. And now, eventually nakakapag-cope up na rin sa situation. So less na talaga ‘yung anxiety attack,” pahayag ng binata. (Reports from JCC)
- Latest