Claudine at kapatid nagka-fever!
Agad-agad nagpa-swab
Nagpa-swab kahapon si Claudine Barretto and brother niyang si JJ matapos silang magka-fever ayon sa kanyang post. “Palanggas hello po, Covid Swab kami ng kuya ko bcoz pareho kami nagka fever yesterday.? jjbarretto.”
Habang sinusulat namin ito ay wala pang update si Claudine kung positive o negative ang resulta ng kanilang swab.
Pero praying and hoping ang fans ng actress na negative ito.
Sana nga ay negative dahil sasabak na raw ang aktres sa kanyang comeback movie na ididirek ni Joel Lamangan for Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
Vance, nagpapakilig sa panghabang-baby
May bagong single mula sa Star Pop ang charismatic actor-singer na si Vance Larena, ang Panghabang-Baby na tiyak na may hatid na kilig sa fans.
Bida sa kanta ang pangako ng pagmamahal na ‘forever’ sa isang minamahal. Puno rin ang lyrics nito ng paninigurado at katapatan mula sa taong sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang karelasyon.
Ang Panghabang-Baby ay awitin talaga ng mga in-love. “From puppy love to romantic love, pasok dito. Binabalik ka rin ng kanta sa pakiramdam ng ma-in-love na parang panghabang-buhay mong gustong maramdaman,” ani Vance.
March 2020 nang ilabas ni Vance ang debut single niya sa Star Pop na Tama tungkol sa halaga ng tiwala sa magkasintahan kapag sinusubok ang kanilang relasyon.
Napapanood siya ngayon bilang Sgt. Jake Peralta sa FPJ’s Ang Probinsyano.
- Latest