Chika, BESH! ‘di na nag-renew, Ria balik-Kapamilya

Pauleen, Ria at Pokwang
STAR/ File

So, Ateng Salve, nagtapos na pala ang Chika, BESH!, ang mor­ning talk show ng TV5 na produced ng Archangel Media (sister company ng APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera).

Sina Pokwang, Pauleen Luna-Sotto at Ria Atayde ang hosts ng Chika, BESH! na noong August 17, 2020 lang nagsimula (na ang unang timeslot ay 10:00 a.m. at naging 7:30 a.m. na).

Hindi na nga raw na-renew pa ang Chika, BESH!, kaya nang maka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger ang nanay ni Ria na si Sylvia Sanchez, tinanong ko siya kung may new show ba sa TV5 ang kanyang anak, pero wala raw.

“Balik-ABS-CBN siya. Magla-lock-in ­taping na si Ria for MMK (Maalaala Mo Kaya). Actually, January 12-15 ang lock-in taping niya,” sabi ng nanay ni Ria.

Ang bongga lang, noong Friday lang nag-end ang Chika, BESH! at work na kaagad si Ria sa kanyang original mother studio.

Nilinaw nga pala ni Sylvia na ang Star Magic na management company ni Ria ang nagbigay sa kanyang anak ng TV5 morning show, kaya nga­yong tapos na raw ‘yon, balik-Kapamilya network na nga ang dalaga.

So, maayos naman pala sa ABS-CBN ang pagtanggap ni Ria sa morning show ng Kapatid network, kaya wala nga namang problema sa pagbabalik-Kapamilya network niya.

Anyway, pinaghahandaan naman ni Sylvia ang pagbabalik-lock-in taping niya for Huwag Kang Mangamba kung saan kasama niya ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri.

Dating sexy star na si Amanda page, naturukan na

Bago mag-New Year ay naka-chat ko ang former sexy star of the ‘90s na si Amanda Page.

Sumikat noong araw si Amanda bilang isang Viva star.

Kapag nasa Los Angeles, California ako ay madalas makipagkita sa akin si Amanda kahit na taga-Ventura County siya at medyo malayo ang driving.

Anyway, kahapon nga ay nag-post si Amanda sa kanyang Facebook account ng kanyang pagpapa-vaccine. “Hope… for a better world. COVID is the enemy, not each other (with praying hands at heart emojis) #modernacovid19vaccine,” ang caption niya sa picture habang tinuturukan siya ng COVID vaccine.

Ikaw, Ateng Salve, kapag puwede na bang magpa-vaccine, willing ka na ba?

Fan Girl, extended

Kahapon ay in-announce ng Global Corporate Affairs ng ABS-CBN (TFC o The Filipino Channel) na isa ang Fan Girl movie nina Paulo Avelino at Charlie Dizon sa tatlong Metro Manila Film Festival 2020 official entries na extended ang screening worldwide sa pamamagitan ng iWantTFC, kTX.ph at TFC IPTV.

At least, may pag-asa pang madagdagan ang kita ng Fan Girl na sinasabing nanguna raw sa 10 official movie entries ng MMFF 2020.

Ang bongga! ‘Yun na!

Show comments