Film producers, naghihintay pa rin sa pagbubukas ng mga sinehan

Marami na palang bukas na sinehan sa mga probinsiya. Siguro dahil nga less crowded ang ibang lugar, kaya madaling makontrol ang mga bagay doon at napapatupad nila ang health protocols. Kaya parang good sign din na baka malapit na ring magbukas ang mga sinehan sa Metro Manila. Hintay-hintay lang siguro at makikita na natin ang balik-sigla ng showbiz.

Ang dami pa rin talagang gustong gumawa ng movies at gustong mag-shoot. Marami pa ring naniniwala na makakaba­ngon ang lahat, at dapat talagang makagawa ng paraan para maayos ang problema. Isang bagay lang naman, bumaba ang mga bilang ng affected ng virus para magtuluy-tuloy ang dream ng showbiz na mabuhay uli.

Kaya huwag nang matigas ang ulo, sumunod na tayo sa bawal, para mabuhay na uli ang showbiz.

Dating sikat na aktres na nasobrahan ng yabang, lumagapak, hindi na pinaniniwalaan

Tawa ako nang tawa nang mabasa ko ang isang press release tungkol sa isang nalaos na artista, Salve. Ito talaga ang patunay na dapat hindi mayabang at mataas magsalita ang isang tao ‘pag nakatikim siya ng tagumpay, na ang anumang bagay ay madaling mawala sa mga tao na hindi responsable sa paghawak nito.

Naalala ko noong sikat pa ang nasabing artista, buong ningning na sinabi niya, within five years ay hihinto na siya sa kanyang career. Gusto niyang magbalik sa dati niyang ginagawa - nakakapunta sa palengke at supermarket, nakakalakad nang hindi ginugulo ng tao etc. Sapat na raw ang pera niya para talikuran ang showbiz.

Akala mo noon ay ubod ng talino ‘pag nagsalita, aakalain mong profound at merong sense ang binibitiwang statement. Hindi niya alam na you set your standard ‘pag nasa itaas ka, you never argue with success kaya tanggap ang mga sinasabi niya. From where she came from, iisipin mo na iingatan niya ang nakuha niyang tagumpay dahil bigla siyang nakakuha ng respeto at paghanga sa mga tao, kinalimutan na kung saan siya nanggaling.

For a while, natakpan ng popularidad niya ang mga kagagahan niya. But just a mere click of a finger, bumaba siya at bumagsak.

Now, tanggap niya na kailangang magdasal para makakuha ng project. Kailangang magsikap para makapagtrabaho.

How pathetic.

Iyan kasi ang napapala ng mga tao na walang laman ang utak, puno ng yabang na hindi mapanindigan. Now, kahit ano ang sabihin niya, parang walang meaning, dahil alam mo na inarte at inaral lang niya to sound good.

Life is cruel to people na hindi minahal ang buhay nila. Be true to yourself, tanggapin mo ang mali mong ginawa, only then  you can move on at baka sakaling hindi mo na kailangan ng sobrang dasal para magkaroon ng work.

Pathetic.

TIPMMG, pamilya na pati viewers

Kung para kay chemist Pinky Tobiano ay Grateful Tuesday, tayo naman, Salve, ay Happy Thankful Tuesday. Ang dami nating dapat ipag-thank you dahil episode 83  na tayo kahapon and so far doing well.

Habang tumatagal ang araw, lalo pa tayong parang tuwang-tuwa tuwing dumara­ting ang Tuesday. Iyon bang very family na ang feeling natin na para bang kahit na nga ang bossing nina Japs Gersin at Tina Roa ay si Cristy Fermin, feeling namin ni Mr. Fu, PA rin namin sila dahil alam na nila ang takbo ng utak namin.

As days goes by, para bang imposible nang magkaroon pa ng problema ang Take It… Per Minute Me Ganun dahil nga sa love na nadarama natin for each other.

Kaya ‘wag kaligtaan, 12-1 ng hapon tuwing Martes sa Facebook at YouTube ng Pilipino Star NGAYON ang TIPMMG, na family din namin ang followers ng program. Love namin kayo.

Show comments