'Cougar'? Cherry Pie Picache, anak inintriga sa Boracay photos, inakalang mag-jowa

Litrato ng mag-inang sina Cherry Pie Pichache (kaliwa) at Antonio Picache Tria (kanan)
Mula sa Instagram

MANILA, Philippines — Ilang fans ang nagulat sa very happy at blooming bikini photos na ibinahagi ng aktres na si Cherry Pie Picache nitong mga nagdaang araw habang nagbabakasyon — dahilan para mapagkamalang jowa niya ang kasamang anak na lalaki.

Ika-6 ng Enero nang magpost ng Boracay pics ang award-winning celebrity kasama ang anak na si Antonio Picache Tria, bagay na hindi napigilang pagpiyestahan ng ilang netizens.

 

 

"You 'cougar' you! Good for you. Enjoy life to the fullest," komento ng Instagram user na si @pvera3 dalawang araw na ang nakalilipas.

Tumutukoy ang salitang "cougar" sa isang nakatatandang babae na nakikipagrelasyon sa mas nakababatang lalaki.

Agad namang sinagot 'yan ng aktres para linawin ang malikot na imahinasyon ng ilan sa social media.

"He is my son and the only man in my life," patawang tugon ng 50-anyos na batikang aktres, Miyerkules.

 

 

Nakuyog tuloy ang commenter ng ilang fans dahil na rin aniya sa "karumihan ng utak" ng ilan.

Humingi naman ng paumanhin ang naturang netizen para sa kanyang maling pag-intindi sa mga larawan.

"I am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again. May God continue to bless you both with endless love and togetherness. I have been your fan forever due to your beauty and spirituality," pagso-sorry sa kanya ng IG user.

Sa kabila niyan, hindi naman siya nag-iisa sa mga mali ng inakala ng makita ang photo dahil na rin daw sa kung paano sinulat ni Cherry Pie ang kanyang caption.

 

 

Kilalang tennis player ang anak niya na si Antonio, na dati nang nagawaran ng pagkilalang "Gawad San Juan de Brebeuf sa Katangi-tanging Manlalaro" matapos ang kanyang pagkapanalo sa International Tennis Federation (ITF) noong 2016 sa Vietnam.

Ang naturang medalya ay nakuha niya noong ika-25 ng Marso, 2018 matapos ang kanyang juior high school moving up ceremony mula sa Ateneo de Manila University.

 

Show comments