Janella at Markus natakot sa umpisa
“Hindi talaga namin in-expect ‘yung reaction na ‘yun (sa warm welcome ng mga tao) but I guess it really was the perfect time. We’re just happy na maganda ‘yung video, maganda ‘yung introduction. I can’t wait for Jude to watch it and appreciate it,” sabi ng batang amang si Markus Paterson matapos nga nilang ipakita sa YouTube ang naging journey ng pagiging first time parents nila ni Janella Salvador nang mag-guest siya sa We Rise Together kahapon.
Actually, marami naman talagang natuwa na umamin na nga sila finally ni Janella.
Ang tagal naging pahulaan ang panganganak ni Janella dahil hindi nga sila umaamin na ayon kay Markus ay natakot kasi sila sa umpisa. “Sobrang natakot kami noong una kasi the world is very harsh, right now isn’t the best environment.
“Well now it is, kaya inilabas na namin. Pero noong una talagang we wanna shield everything, keep everything as quiet as possible.
“Sa lahat ng family and friends namin that kept the secret with us, that helped us throughout the journey: he’s out, he’s happy, he’s growing, he’s fat, and we’re happy and everything’s beautiful,” dagdag niya sa story ng starcinema.com.
Kuwento pa nito – “The moment na I saw him, parang lahat ng priorities ko noong time na ‘yun, nawala. It went out of the window. Like everything is now for him, forever is always for this whole man that I’m holding in my arms. Hindi ako naiyak, hindi ako natawa, nakatulala lang ako, nakatitig lang ako sa kanya for hours.
“Until now, his smiles are the most beautiful in the world. Lahat ng hirap, lahat ng early morning wake up, sobrang worth it kapag nakita ko ‘yung mukha niya,” pag-amin pa nito.
Pero ang isang sure talaga sa showbiz, kung may usok tiyak na may apoy.
‘Yung tipong kung ‘di uukol, ‘di bubukol.
Pagkaka-hack ng credit card ni Sen. Sherwin, ginagawan ng issue
Hmmm, nakaka-smell ng something fishy ang ilan sa viral tweet ni Sen. Sherwin Gatchalian kahapon na “My credit card has just been hacked! May nag order ng P1M worth of food sa Food Panda in less than an hour. Ano yan lauriat para sa buong barangay???”
Well, maraming nag-worry pero may iba naman nagduda na baka para sa promo ito ng kung anuman.
Awww. Hindi naman siguro sasakay si Sen. Gatchalian sa issue para lang pag-usapan.
Ang dami naman niyang mga ginagawa sa senate, so I doubt kung kailangan niyang gumimik.
Unless may connect ito sa bill na siya ang author ha.
Kasi imposible naman daw na hindi nag-verify ang in-order-an nila ng food kung worth 300K or something ang bill mo sa isang orderan.
Eh thrice pang ng-order supposedly na umabot sa almost a million gamit ang card niya?
Ahhh. Knows kaya ‘to ni Bianca Manalo?
- Latest