Masaya si Edward Barber dahil sa pagkakaroon ng isang katambal at kaibigan na katulad ni Maymay Entrata. Para sa aktor ay maganda talaga ang kanilang samahan ng dalaga kahit na hindi sila magkasintahan sa totoong buhay. “The word we always use is ‘content.’ We are content with where we are, with the friendship that we have. There’ no need to push it any further. There were even times where Maymay and I worked, hindi kami nag-uusap. We were literally just sitting there, not even talking. But after two hours that we finally get to take, we’ll light up and we’ll be able to work together. Maymay and I are closest of friends. This is where we are and we’re content and happy with what we have,” makahulugang pahayag ni Edward.
Unang nagkatambal sina Maymay at Edward pagkalabas mula sa Pinoy Big Brother house noong 2017. Mula noon ay talagang nagkaroon na ng espesyal na ugnayan ang dalawa. Ayon kay Edward ay palagi lamang siyang nariyan at nakahanda para sa aktres. “My promise is to do my best in protecting not necessarily physically, I’ll always be there to protect you. I know you, I know your heart. It’s not hard to see that she doesn’t need it, but I’ll be there to always pray for you. I’ll always have your back in everything that you do. I’d be proud to be able to say that, that person’s in my life,” nakangiting mensahe ng aktor para kay Maymay.
Kristel, walang intensyong ipagyabang ang bagong sasakyan at ang ipagagawang bahay
Ipinasilip ni Kristel Fulgar sa kanyang YouTube channel na Kristells Vlogs ang mga bagong biyayang natanggap bago magtapos ang 2020. Makapagpapatayo na ang aktres ng bagong bahay sa loteng nabili. Bukod sa ipagagawang bahay ay isang bagong sasakyan din ang nabili ni Kristel kamakailan. “Kailangan din kasi ng sasakyan lalo na ‘pag nagbukas na ‘yung coding ulit. So balita namin magkakaroon na ulit ng coding. ’Yung dati ko kasing sasakyan na ginagamit pang-coding ginagamit na ng ate ko ngayon. So naka-sale ‘yung sasakyan, dalawa naman ‘yung garahe na ipapagawa ko do’n sa bahay eh. kasya naman silang dalawa,” paglalahad ni Kristel.
Para sa aktres ay hindi naman pagyayabang ang ginagawa niyang pagbabahagi ng kanyang mga naipundar sa bagong vlog. “Masaya ako na i-share sa inyo ‘yung mga bagay, mga blessings na natanggap ko sa year 2020. Lahat na man tayo dumaan sa pandemic, buong mundo. Hindi madali ang pinagdaanan natin. Bawat isa sa atin meron naging problema, naka-survive ng 2020. Hopefully, 2021, ito na yung time para makabangon tayong lahat. Ang main purpose ng vlog na ito ay hindi para ipagmalaki ko lang ang mga blessings na natanggap ko,” paliwanag niya.
Malaki ang pasasalamat ni Kristel sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya bilang isang video blogger at aktres. “Hindi ko makukuha lahat ng iyon kung wala ‘yung mga taong sumusuporta sa akin. Bawat subscriber ko, bawat nanonood ng mga vlogs ko ay part ng success ng career ko. Maraming-maraming salamat sa inyo. Isa kayo sa mga nagpatatag sa akin. Isa kayo sa mga nagpaniwala na kaya kong lampasan itong pandemic and naka-survive sa year 2020. Maraming salamat sa mga taong napu-push sa akin na ituloy ‘yung passion ko. Maraming salamat kay God, alam kong Siya ang nagbibigay ng lahat ng blessings na natatanggap ko. Promise ko ay ipagpapatuloy ko pa ring gumawa ng quality content para ma-entertain kayo and ilalabas ko rin ‘yung passion ko sa content creation” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)