Nagka-COVID din pala ang buong pamilya ng anak ni Sen. Bong Revilla and Mayor Lani Mercado na si Inah Revilla-del Rosario.
Pero magaling na raw sila, ayon kay Sen. Bong.
Ten years nang married si Inah sa businessman na si Vince del Rosario at meron na silang three kids.
Hindi naman daw naospital ang mag-anak at sa bahay lang nagpagaling.
Samantala, natanong si Sen. Bong kahapon kung anong reaction niya sa isyung pipirma na nga ng kontrata sa Kapamilya Network si Janine Gutierrez.
May kinalaman ba siya at hindi na diumano ni-renew ang contract ni Janine ng Kapuso Network? “Bakit (ako)? Ako pa? Walang masamang tinapay sa akin. In short, wala sa akin ‘yun kahit ano pa ang nangyari in the past, wala ‘yun. Wala akong kinalaman do’n.
“In fact, kung ako nga, kung sasabihing gagawa kami ng movie together, I’m very much willing to accept her as my leading lady. Pero kung hindi man, okay lang din,” sabi pa niya.
“Basta ako, sa aming mga magkakapatid sa industriya, kahit ano pang sabihin mo, siyempre, sa show business, mas senior ako sa kanila. Itong mga batang artista, dapat matuto rin silang rumespeto sa mga nakakatanda sa kanila, sa senior sa kanila. Huwag nilang lapastanganin ang mga nakakatanda sa kanila, hindi lang sa amin, hindi lang sa artista. Bilang respeto sa nakakaedad sa ‘yo, matuto ka ring rumespeto,” ang mensahe ni Sen. Bong.
Pero inulit ni Sen. Bong na wala talaga siyang sama ng loob kay Janine at sa iba pang artista na nangba-bash sa kanya.
“I’m a very forgiving person. Pinatawad ko na ‘yung mga taong… siguro, hindi naman nila alam ang puno’t dulo niyan. Kung ano man ‘yung naririnig nila, ‘yun lang ang nakakarating sa kanila. But eventually, kung hindi man sila maliwanagan ngayon, time will come na maliliwanagan din sila. And I understand them. Naiintindihan ko kung ano ang hugot nila.”
Malapit nang mapanood ang comeback project ni Sen. Bong sa GMA na Agimat ng Agila.