Sa mga lumalabas na pictures ng isang kilalang female singer at ng kanyang boyfriend na musikero rin ay parang kanilang-kanila na ang mundo. Lalanggamin ang pagdidispley nila ng pagmamahalan.
?Parang wala na silang mahihiling pa, kumokontra man ang marami sa kanilang relasyon ay parang wala silang pakialam, dahil sobrang mahal nila ang isa’t isa.
?Pero hindi totoo ang sinasabi ng mga larawan nila, malungkot ang female personality, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng kanyang pamilya ang lalaking nagpapaligaya sa kanya.
?Kuwento ng isang source na malapit sa magkarelasyon, “Iba ang sinasabi ng girl sa nararamdaman niya. Pretending to be happy siya, pero hindi ‘yun ang totoong nararamdaman niya.
?“Palaging may kulang, masaya siya kapag magkasama sila ng guy, pero sobrang lungkot niya dahil walang basbas ng family niya ang pakikipagrelasyon niya,” unang kuwento ng aming source.
?Nakipagmatigasan ang female singer sa kanyang pamilya, iniwan niya ang mga ito na masamang-masamaang loob sa kanya, maraming nagkokomento na kahit kailan ay hindi siya magiging maligaya.
?Patuloy ng aming impormante, “Di ba, ganu’n naman talaga? Kapag walang blessing ng pamilya ang isang relasyon, e, meron talagang kulang?
?“Hindi nila ‘yun ipinakikita, may brave front sila, pero kapag nag-iisa na lang ang girl, du’n na pumapasok ang sobrang kalungkutan niya.
?“Sana, kung maligaya talaga siya, e, hindi na siya naglalabas ng sama ng loob sa mga kasamahan niyang singers! Sana, puro happy moments lang ang sinasabi niya.
?“Pero hindi ganu’n, cry-me-a-river siya palagi sa mga friends niya dahil may matinding kulang sa buhay niya ngayon. Totoo, nagmamahalan sila ng guy, pero hanggang du’n na lang ba naman ‘yun?
?“Ayaw niya kasing magpakumbaba, ano ba namang siya ang unang gumawa ng move para makausap ang parents niya? Wala namang masama du’n, magagalit lang sa una ang family niya, pero siguradong matatanggap pa rin siya!
?“Pero mukhang nasusulsulan siya ng boyfriend niya, instead na tumulong siya para magkasundo ang girl at ang family niya, e, siya pa ang kumokontra!
?“Sana, maisip ng female singer na walang forever. Paano kapag nagbago ang takbo ng relasyon nila? Paano kung magkahiwalay sila, kanino siya unang tatakbo kung problemado pa rin sila ng pamilya niya?
?“Mataas ang pride ng girl, pamilya niya, kinakaya niyang kalabanin?” naiinis na pagtatapos ng aming source.
?Ubos!
Rustom, nanghingi ng tawad
Sino ba naman tayo para hindi magpatawad? Napakagasgas na ng kasabihan, pero totoong-totoo, kung ang Diyos nga ay nagpapatawad tayo pa kaya?
?Sa pinakahuling vlog ni Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari ay humingi siya ng tawad sa mga taong aminado siyang nasaktan niya nu’ng nakaraang taon.
?Tatlo ang kanyang binanggit, ang kanyang kapatid na si Robin Padilla, si Manay Lolit Solis at ang inyong kolumnista. Sinsero ang pagkakasabi niya kay Princess Punzalan na kasama niya sa vlog na pinagsisisihan niya ang mga salitang ibinato niya laban sa aming tatlo nina Robin at Manay Lolit.’ Di na namin kailangan pang idetalye kung gaano kasakit ang mga salitang ipinakain niya laban sa amin, ang mahalaga ay nagsisisi na siya, ginamot na ng panahon ang kanyang emosyon.
?Matindi talagang maging guro ang karanasan. Una muna tayong bibigyan ng pagsusulit at pagkatapos nu’n ay ang leksiyon.
?Sa totoo lang, sa kabila ng naganap ay hindi kami nagtanim ng galit kay Ruston Padilla, ang totoo ay awang-awa pa nga kami sa kanya dahil parang napakalawak ng mundo para mahanap niya ang kanyang sarili.
?Kalungkutan ang kanyang kalaban. Pagmamahal ng sarili niyang pamilya ang kanyang hinahanap. Pasasaan ba’t isang araw ay magkikita rin sila sa gitna ng kanyang pamilya.
?Miyembro siya ng pamilya, imposibleng hindi lumambot ang puso ni Mommy Eva Carino at ng kanyang mga kapatid para sa kanya, kumunikasyon lang ang kulang sa magkabilang panig.
?Kapag walang pag-uusap ay walang relasyon, kapag walang respeto ay walang pagmamahal, at kapag walang pagtitiwala ay walang pag-ibig.
?Harinawang matulayan na ang kanilang relasyon. Matibag na sana ang pader sa kanilang pagitan. Matanggap na sana ng pamilya ni Rustom Padilla ang kanyang pagpapakatotoo dahil du’n siya maligaya.