MANILA, Philippines — Hindi lang katarungan ang hiling ngayon ng ilang female celebrities sa karumaldumal na hinihinalang "rape-slay" sa isang babae sa Makati nitong Bagong Taon — pati na rin ang pagtatapos ng "rape culture" at victim-blaming sa maraming Pilipino ngayon.
Kapansin-pansin kasing sinisisi ng ilang netizens ang 23-anyos na si Christine Dacera — isang flight attendant — matapos mapatay at pinaniniwalaang mahalay nang maki-"New Year party" kasama ang mga kaibigang lalaki sa Makati.
Basahin: 23-anyos flight attendant natagpuang patay sa hotel
May kinalaman: 3 tiklo sa Makati rape-slay ng flight attendant; 'case solved' kahit 9 tinutugis pa
Ilan na nga sa mga nakiisa sa panawagang tapusin ang ganyang paninisi sa mga biktima ng rape ay sina Kapuso actress Jennylyn Mercado, Kapamilya TV host Bianca Gonzales at singer na si Frankie Pangilinan.
"Everytime you blame the victim, you take the side of the rapist. There is no excuse to rape. Rape exists because of rapists Stop victim blaming. #JusticeForChristineDacera," ayon kay Jennylyn, Martes.
"As a parent, what’s one thing we should never forget to teach our children? Consent."
Umaasa ngayon ang aktres na makakamit ni Christine ang katarungan hanggang sa lumabas ang buong katotohanan sa kaso, na siyang labis pang nababalot sa misteryo.
Nakipagtalo pa ang aktres sa ilang netizens at idiniin na hindi kasalanan ng sinumang babae ma-rape kung sasama sa mga kaibigang lalaki. Aniya, responsibilidad ng mga lalaki na respetuhin ang kapwa — lasing man o hindi.
Everytime you blame the victim, you take the side of the rapist.
— jennylyn mercado (@MercadoJen) January 5, 2021
There is no excuse to rape.
Rape exists because of rapists
Stop victim blaming.#JusticeForChristineDacera
No. Eto yung mindset na dapat itigil natin.
This is victim blaming.— jennylyn mercado (@MercadoJen) January 5, 2021
Ganyan din naman ang naging pananaw nina Bianca at Frankie patungkol sa isyu, bagay na hindi naman daw hinihingi ng sinumang babae anuman ang kanilang pananamit.
it is never the clothes, never the drinks — never the victim, period. it is always, ALWAYS, the rapist’s fault. how many more times do we have to hammer this home for it to stick in your thick skulls, please??!??!
— kakie (@kakiep83) January 4, 2021
Rape happens because of rapists, not because anyone "asked for it" ????#JusticeForChristineDacera
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) January 4, 2021
Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) chief Police. Gen. Debold Sinas na "case solved" na ang kaso kahit siyam na suspek pa ang pinaghahanap ng mga alagad ng batas.
Kanina lang nang sabihin ni Makati Police chief Col. Harold Depositar na kulang-kulang pa rin sa autopsy at medico legal report patungkol sa kaso ng dalaga.
Pagdadalamhati ng pamilya, PAL Express
Ipinagluluksa rin sa ngayon ng Philippine Airlines ang pagkawala ng kanilang crew, na isinalarawan bilang mahusay na empleyado ng kumpanya.
"PAL Express mourns the tragic death of Christine Angela Dacera last January 1 during New Year revelry in Makati City. She was an upstanding and professional PAL Express crew member who will be sorely missed by her colleagues and friends," ayon sa airlines.
"We are extending full support to the flight attendant's family at this most difficult time. Our desire is for the truth to come out in the interest of justice."
Nakikiusap naman sa ngayon ang tagapagsalita ng pamilya Dacera na sumuko na sa Makati police department ang mga akusado para maharap ang mga reklamo laban sa kanila.
Aniya, maaari naman daw silang tumayong saksi sa korte kung mapatutunayang wala silang kinalaman sa krimen. Isa sa mga suspek na nagngangalang Rey Englis ang sinasabing nakikipag-ugnayan na ngayon sa mga otoridad.
Isinusumpa naman ngayon ng ina ni Christine na si Sharon na mapapanagot ang mga nasa likod ng madugong krimen: "Ipaglalaban kita." — may mga ulat mula kay Ian Nicolas Cigaral