Pinakamatanda sa mundo mahilig sa chocolate at softdrink

Kane Tanaka
STAR/ File

Nag-birthday kahapon ang tinutu­ring na world’s oldest person na nag-celebrate ng kanyang 118th birthday sa southwestern Japan.

Ayon sa online article ng Kyodo News, si Kane Tanaka ay pinanganak last January 2, 1903 at kinilala ng “Guinness World Records as the world’s oldest living person in March 2019 aged 116. Those born in the same year include British novelist George Orwell.”

Kasalukuyan na raw siyang nakatira sa nursing home sa Fukuoka, Japan.

Sabi pa sa article, lagi siyang nag-e-exercise, nagka-calculate at nag­lalaro Reversi strategy board game.

Pero malakas daw ang appetite nito at gustung-gusto ng chocolates and uminom ng Coke.

“Eating delicious food and studying,” sagot  nito kung bakit siya ma­lakas pa. Ito ay kabila ng may pademya pa.

So nasa pagkain kaya ng chocolates at pag-inom ng softdrink?

Samantala, hindi naman umabot ng 100 years ang isa sa oldest super avid reader ng Pilipino Star NGAYON, na isa sa rin naming tita, na si Candelaria Bustos.

Last New Year ay binawian siya ng buhay sa edad na 95.

Pero ang sabi ng mga doctor, sa kabila ng pan­demya at edad, normal ang lahat ng kanyang internal organ nang pumanaw ayon sa mga doktor ng Veterans Hospital (wife siya ng Filipino veteran).

At malinaw ang vision niyang namayapa. Bago siya naging bedridden, ang pang-aliw niya sa sarili ay magbasa ng Pilipino Star NGAYON.

As in parang kung ilang taon ang PSN, ganun na siya katagal na nagbabasa nito (hindi pa ako editor / kolumnista rito).

Rest in Peace, Nana Deling. Salamat sa lahat.

Nasa St. Peter Cogeo ang labi ni tita Candelaria at nakatakda siyang ilibing bukas, Tuesday.

Show comments