Muling nabuhay at uminit sa social media ang isyu ng ABS-CBN Shutdown sa PBB Connect, gawa ng isa sa housemate na nakapasok ay maka-Duterte at nakiisa sa ABS-CBN 2 Shutdown na si Russu Laurente, ang tinagurian nilang Ang Bunsong Boksingero ng General Santos City.
Kainitan noon ng isyu ng ‘di pagkakaloob ng prangkisa ng ABS-CBN 2, nag-tweet si Russu ng #YestoABSCBNShutdown at sinabi pa niya sa wikang Bisaya na huwag daw pagtripan ang presidente natin. Pero isa si Russu sa nagpa-audition sa PBB Connect sa KUMU at nakapasok pa siya.
Nabuhay ang isyung ito dahil tila pinanggigilan siya ngayong dapat na siyang ma-evict. Nag-trending ito kamakalawa lang dahil nga pati ang host na si Robi Domingo ay nag-react din sa pag-uusap ni Russu at ng isang housemate na nagpapaliwanag siya kung bakit nai-tweet niya iyon. Bahagi ng paliwanag ni Russu; “Alam mo naman sa social media grabe makapag-influence. At lahat ng friends sa account ko sa social media ay from Mindanao. Alam n’yo naman ‘pag from Mindanao, susuportahan talaga nila yung alam mo na… ’yung nagpasara ng ABS. ‘Yun parang na-influence ko, ‘yung sa side lang nila ang napakinggan ko, hindi ko napakinggan ‘yung kabilang side.”
Grabe na ang emote ng iba, at ang ilan ngang DDS ay nag-react na rin. May ilang ipinagtanggol naman nila si Russu.
Nag-react ang ilang diehard DDS na sinasabi nilang napaka-OA naman daw ng taga-ABS-CBN.
Hindi nakapagpigil si Robi na nagpahayag ng saloobin niya sa pinag-uusapang ito sa PBB Connect. “Walang kinalaman ‘yung PBB dito is this just me. Pero gusto kung ibalik ‘yung sinabi niya dati doon sa nagiging issue niya with Aizyl. ‘We can forgive, but we will never forget.’
“Eto yung tinig ng mga nawalan. Paglabas nilang lahat silang lahat ng bahay ni Kuya ipapakita ko sa kanila eto (ABS-CBN logo) isipin n’yo it’s just a symbol, this is our mantra, this is our life.”
Kasama ngayon itong si Russu sa mga nominado na mai-evict sa Bahay ni Kuya. Kinukuyog siya ngayon ng mga negatibong komento at talagang ikinakampanya siyang dapat na ma-evict. Tingnan natin kung solid ang suporta sa kanya ng mga taga-Mindanao lalo na ang mga DDS.
Non-showbiz guy, ginagamit lang ang female personality para pagtakpan ang totoong lalaki sa buhay
Ngayon lang namin naalalang kaya pala napapangiti na lang itong si sikat na female celebrity kapag inili-link siya sa isang non-showbiz guy dahil hindi naman pala ang kagaya niya ang talagang type nito. May pagka-hunk itong si non-showbiz guy, iba ang propesyon niya at nakilala na rin siya sa showbiz dahil sa ilang beses siyang nakikitang kasama itong si sikat na female celebrity.
Nasa ‘dating’ status sila pero smile lang si female celebrity dahil baka nga kilala na niya ang buong pagkatao nito.
Kuwento ng isang non-showbiz ding kaibigan, nakita raw niya sa isang out of town bakasyon itong si non-showbiz guy na lalaki ang kasama. Guwapo at kasing-hunk din niya at hindi si sikat na female celebrity.
Kilala raw niya itong kasama ni non-showbiz guy dahil nasa real-estate business daw ito, at tila pareho lang din sila ng tipo. Iba raw ang body language na may something talaga at namamalisyahan daw siya.
Kaya naman pala hanggang tsismis-tsismis lang si non-showbiz guy at ang sikat na female celebrity dahil hindi sila talo.
Ang dating tuloy, parang nagagamit lang nitong non-showbiz guy si sikat na female celebrity para lang makilala siya at mapag-usapan.
Well, na-achieve naman niya!
Kasalukuyan na raw siyang nakatira sa nursing home sa Fukuoka, Japan.
Sabi pa sa article, lagi siyang nag-e-exercise, nagka-calculate at naglalaro Reversi strategy board game.
Pero malakas daw ang appetite nito at gustung-gusto ng chocolates and uminom ng Coke.
“Eating delicious food and studying,” sagot nito kung bakit siya malakas pa. Ito ay kabila ng may pademya pa.
So nasa pagkain kaya ng chocolates at pag-inom ng softdrink?
Samantala, hindi naman umabot ng 100 years ang isa sa oldest super avid reader ng Pilipino Star NGAYON, na isa sa rin naming tita, na si Candelaria Bustos.
Last New Year ay binawian siya ng buhay sa edad na 95.
Pero ang sabi ng mga doctor, sa kabila ng pandemya at edad, normal ang lahat ng kanyang internal organ nang pumanaw ayon sa mga doktor ng Veterans Hospital (wife siya ng Filipino veteran).
At malinaw ang vision niyang namayapa. Bago siya naging bedridden, ang pang-aliw niya sa sarili ay magbasa ng Pilipino Star NGAYON.
As in parang kung ilang taon ang PSN, ganun na siya katagal na nagbabasa nito (hindi pa ako editor / kolumnista rito).
Rest in Peace, Nana Deling. Salamat sa lahat.
Nasa St. Peter Cogeo ang labi ni tita Candelaria at nakatakda siyang ilibing bukas, Tuesday.