Meryl at Joem, nilabas na ang bagong baby

Meryl at Joem
STAR/ File

Awww, may new baby pala si Meryl Soriano. Sa kanyang post ay pinakita niya ang baby nila ng actor na si Joem Bascon na matagal nang nababalitang nakabalikan nga niya. “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love.

“New year, new hopes, new positive outcomes.

“Happy New Year from our family to yours!,” ang pagbati niya habang hawak ang bagong baby kasama ang anak nila ni Bernard Palanca na 13 years old na.

Matagal nang issue ang reconcilation nila ni Joem nang gawin nila ang pelikulang Culion na official entry sa MMFF 2019.

MMFF tickets may expiration

May expiration pala ang ticket sa Metro Manila Film Festival na digital edition this year.

May isang friend ako na bumili ng ticket pero hindi niya agad naipanood, pero ayun at hindi na raw puwede nang gusto na niyang manood.

In all fairness, nagbayad siya ng P250 pesos pero napaso nga kaya nasayang lang din.

Pirata sa MMFF, ang lala

Grabe, ang lala pala ng piracy ng MMFF movies.

May napakita sa akin ng isang Facebook account. At ang number of shares ng pelikulang Fan Girl, almost 1,000.

So i-multiply mo ang nasabing shares, magkano na sana ang kinita ng pelikula nina Paulo Avelino and Charlie Dizon.

That was the other night pa, paano na lang kahapon? Ilan kaya ang nadagdag sa number of shares.

So bakit hindi ito ma-intercept ng MMFF? Bakit umabot sa ganun karaming shares?

Umaaray ang mga movie producer ngayong MMFF dahil nga, mukhang walang makakabalik sa kanilang puhunan dahil sa talamak na piratahan sa kasalukuyan.

Show comments