^

PSN Showbiz

May potential hit group ang Anim-E

- Veronica R. Samio -
Lumabas na pinakasikat sa mga grupo na binuo ng ABS-CBN ang JCS, binubuo nina John Prats, Carlo Aquino at Stefano Mori. Except for Stefano na ilang beses na-involved sa ilang di magagandang pangyayari, both John and Carlo are both doing great in their careers.

With the birth of Anim-E, inaasahang nakatuklas nga ng isang hit group ang Dos na mamahalin ng publiko.

Binubuo ang Anim-E ng mga kabataang hinahasa ng ABS-CBN Talent Center - Emman Abeleda, John Wayne Sace, Rayver Cruz, Sergio Garcia, Mico Aytona at Mhyco Aquino.

Pinakabeterano sa grupo ang 13 taong gulang na si Emman. Nagsimula ito bilang isang child actor and practically grew up on screen. He has been nominated as best child actor in movies like Minsan Lamang Magmahal (Regal), Esperanza the Movie, at Puso ng Pasko (Star Cinema).

Pinaka-close na artista sa kanya sina Maricel Soriano at Cesar Montano. Turing niya sa kanila ay second parents and they have helped mold his character toward his profession. Tinuruan siya ni Maricel ng mga techniques sa pag-arte. Si Cesar naman ay binigyan siya ng mga samples sa action routines kapag may break sila sa taping ng Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. Natuto rin siya sa aktor kung paano tratuhin ang staff at crew.

Trese anyos din si John Wayne Sace, matagal ng alaga ng Dos. Sinorpresa niya ang kumpanyang nagsasanay sa kanya at maging ang mga manonood sa ipinakita niyang talino sa pag-arte sa pelikulang Dekada ’70. Nanalo siya rito ng best child performer sa kabila ng pangyayaring mga magagaling at sikat ang nakasama niya.

Sayang at di nasaksihan ni Ricky Belmonte ang pagsikat ni Rayver Cruz, 14 years old na sa July 20. Si Ricky ang nagdala kay Rayver sa GMA where he started his career. Pinsan niya sina Sheryl, Renzo Cruz, Sunshine Cruz, Geneva Cruz at Donna Cruz. Isa pa ring uncle niya ay si Tirso Cruz III. Bagaman at matutulungan siya ng mga sikat niyang kamag-anak para siya sumikat, alam niyang palagi siyang ikukumpara sa kanila. He’d rather do it on his own.

Si Sergio Garcia ang maituturing na pinakamakulit sa grupo. Sinabi niya na kinuha siyang member ng Anim-E maybe because of his height. Three years na siyang hinahasa sa ABS-CBN Talent Center. Nakalabas na siya sa mga programang Wansapanataym, Maalaala Mo Kaya, at image model ng mga produktong Safeguard at Harvard USA.

Miyembro naman ng Kundirana ng La Salle si Mico Aytona at maituturing na pinakamagaling kumanta sa anim. Marami na siyang nagawang komersyal at nakasama sa mga pagtatanghal ng PETA (Hiling ng Isang Anghel) at Trumpet (Playshop Baby) at Center Stage (King and I ).

Isa rin sa pinakamatangkad kundi man the tallest sa grupo si Mhyco Aquino. Katatapos lang ng high school ni Mhyco at abala sa paghahanda para sa mga performances ng Anim-E. Isa rin siyang image model ng BNY Boy jeans at maasahan din pagdating sa sayawan.
*****
Gold na ang A First! Live in Concert ni Aiza Seguerra. Ang album ay live recording ng 1st major concert ni Aiza na ginawa sa Music Museum.

Nag-gold ang album na may carrier single na "Everything I Own" dalawang buwan lamang after its release.

Kasalukuyang nasa US si Aiza at may ginagawang mga concerts.

Bukod sa gold award, na-award din si Aiza ng isa sa Top 10 singers ng NPC. Pinakabata siya sa mga pinagkalooban ng award.

May 14 cuts ang A First! na ginawa ng Vicor Music Corporation. Kasama rito ang overtune ng "Pagdating ng Panahon", "Put a Little Love in Your Hearts", "Here, There and Everywhere", "Someone to Watch Over Me", classic OPM hits medley at marami pa.

vuukle comment

A FIRST

AIZA

ANIM-E

ISA

JOHN WAYNE SACE

MHYCO AQUINO

MICO AYTONA

RAYVER CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with