^

PSN Showbiz

Fan Girl ni Paulo, si James ang first choice

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Fan Girl ni Paulo, si James ang first choice
James

Nanalo na ng award si Paulo Avelino, pero ewan nga kung bakit lumabas na ang role niya ay una raw sanang iaalok kay James Reid, kasi mas mukha iyong matinee idol na kababaliwan ng fans. May nagsasabing tama iyon, dahil kung ang inilagay daw sa role na iyon ay si James, o lalo na kung si Daniel Padilla, aba hindi man maglabas ng putotoy ay malamang na kumita nang mas malaki.

Huwag ninyong sabihing online lang iyan, ang online concert na ginawa ni Daniel Padilla, mas malaki ang kinita kaysa sa first day ng lahat ng 10 pelikula sa Metro Manila Film Festival. Malamang nga kung siya iyon, hindi sila magiging luhaan. Ngayon nagka-award nga sila, pero luhaan pa rin dahil sa maliit na kita.

Cong. Vilma, tinanggihan ang Christmas party ng fans

Hindi lamang ang Metro Manila ang mananatili sa GCQ sa buong buwan ng Enero kundi ganoon din ang lalawigan ng Batangas, dahil gaya rito marami pa rin ang bilang ng may COVID doon. Kaya nga si Congresswoman Vilma Santos, panay ang paalala sa lahat na kung wala rin lang mahalagang kailangan, huwag na munang lumabas ng bahay.

“Sa totoo lang, ako mismo ay hindi lumalabas ng bahay. Iyong fans nga na gusto pang mag-party, kasi taun-taon naman talaga may Christmas party sila, teenager pa lang yata ako noon, sabi ko nga this time huwag na.

“Una hindi ko rin naman sila mapupuntahan dahil hindi ako lumalabas ng bahay at saka aminin natin na ang marami sa kanila mga senior citizen na rin. Aba eh kung ngayon pa sila magkakasakit, problema pa iyon.

“Mayroon naman akong Vilma Santos Foundation, para sa fans ko iyon, pero gugustuhin pa ba naming may magkasakit sa kanila? Eh ang mga fans ko, sa totoo lang parang kapatid ko na ang mga iyan. Sila ang lagi kong kasama eh. Hindi lang sila nanonood ng sine, shooting ko pa lang nakabantay na iyang mga iyan. Kaya lahat sila kilala ko na, at ang tu­ring ko pamilya na talaga.

“Kung may magkakasakit diyan iintindihin ko rin kaya sabi ko nga sa kanila mag-ingat at ayokong madagdagan pa ang problema namin. Nagkakasama-sama naman kami sa video calls, maganda nga dahil pati iyong mga nasa abroad nakakasama namin.

“Sa Batangas nga iyong aming gift giving ng Pasko, sinabihan na namin ang mga tao na huwag nang lalabas ng bahay at ang Pamasko ay ihahatid na lang sa kanila. May mga barangay pang nagsasabi, “eh kayo po ang gusto nilang makita eh” kaya sinasabi ko nga mas gusto ko na magkita-kita pa tayo hanggang sa susunod na Pasko, kaya huwag na silang lalabas ng bahay nila. Mabuti naman naintindihan nila.

“Hirap na rin naman kami. Bago pa iyang pandemic na iyan pumutok ang Taal at apektado na kaming lahat. Kaya sabi ko nga ingat muna,” mahabang kuwento ni Ate Vi.

At siyempre ang katapusan, “kayo rin, lalo na ikaw. Huwag kang labas nang labas. Nami-miss ko na kayo pero tiis na lang muna. Mahirap nang magkasakit,” sabi ni Ate Vi.

Kilalang bugaw, tuloy ang panlilinlang sa mga kli­yente

Grabe naman ang isang kilalang Ermita pimp. Dahil siguro wala siyang makuhang kliyente dahil sa umiiral na pandemic, at sarado pa ang karamihan sa mga hotel, ginagamit niya ang pangalan ng mga artistang lalaki at ibinubugaw niya sa mayayamang bading. Oras namang nabola niya ang bading sasabihin niya na ­biglang nagkaroon ng taping at pinalitan na lang niya ng iba, pero ang totoo wala naman siyang contact sa mga artistang ibinubugaw niya.

Ilang beses nang nabuko ang bugaw na iyan, at minsan nga ay nasapak na, pero hindi pa rin nadadala at hanggang ngayon pala ay sinusuyod pa rin ang Ermita sa raket niya.

JAMES REID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with