Rambo magpo-propose na kay Maja?!

Rambo at Maja

Wow, Ateng Salve, ang sweet naman at magkasama palang magnu-New Year’s eve sa El Nido, Palawan sina Maja Salvador at ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez, huh!

Ang bongga lang dahil kasama rin nila ang buong pamilya ni Rambo headed by Marilen Nuñez na kilalang-kilala sa showbiz dahil madalas makasama ng entertainment press noong may Goma Cup pa si Mayor Richard Gomez.

Kasama rin daw nila ang sister ni Rambo na si Yanee Nuñez-Alvarez pati ang mister nito na si Congressman Chicoy Alvarez ng First District ng Palawan.

Ang alam ko, kasama rin sa grupo nila si Raymond Gutierrez, pati si Bubbles Paraiso na sobrang close sa pamilya ni Rambo.

Teka! Since naroon naman ang lahat ng pamilya ng boyfriend ni Maja, hindi kaya magulat na lang tayo na biglang may proposal pala?

Well, why not. Kahit may pandemic ngayon, ang daming mga proposal na nagaganap, huh!

Anyway, Ateng Salve, baka lang naman, kaya huwag na natin silang pangunahan.

Ang maganda kina Maja at Rambo, hindi sila nagdadamot pagdating sa relasyon nila. Sobrang open sila tungkol sa bagay na ‘yon at palagi silang sweet.

Malayo sila sa isang kilala ko na one year na ang relasyon sa isang showbiz personality rin, pero hindi pa rin inaamin ang tungkol doon kahit magkasama pa nga silang dalawa ngayong holidays, huh!

Anyway, going back to Maja and Rambo, hindi maikakailang bagay naman talaga sila sa isa’t isa. Beautiful couple nga kung bansagan sila. Saka kung mabait si Maja, aba, mabait din si Rambo.

Remember, Ateng Salve, sa mga event ni Tita Marilen, maasikaso si Rambo sa entertainment press, huh! Like her mom nga, sobrang ma-PR din siya.

Sunshine, simple lang ang New Year’s celeb

Dahil New Year’s eve na mamaya, tinanong ko si Sunshine Cruz kung saan niya sasalubungin ang 2021 nang magka-chat kaming dalawa sa pamamagitan ng Viber app? “The usual lang. Dito lang kami sa house. Kasama ko pamilya ko. Ang tatlo kong anak, plus my Mom, pati mga kasamabahay namin.

“Kasama rin namin si Macky (Mathay, her boyfriend). Simple lang naman, ang importante, kasama ang mga mahal mo sa buhay!,” sey ng aktres na isa sa cast ng Bagong Umaga ng ABS-CBN.

Show comments