Fans, ang gulo ng utak
‘Katawa talaga ang bashing kay AiAi de las Alas, dahil sa nagalit ang fans ng Blackpink.
Kung minsan hindi mo malalaman kung bakit masyadong seryoso ang outlook sa buhay ng fans para hindi matanggap ang jokes regarding their idols.
Naalala ko nang i-bash nila si Alden Richards, dahil lang sinabi nito na crush niya si Lisa Manoban na isang popstar ng Korea. Nalimutan nila na top matinee idol ng Pilipinas si Alden na sikat din at isa ngang karangalan na sabihing crush nito ang idol nila.
Now, ginamit ni AiAi sa kanyang comedy act ang kanta ng idol nila, ‘di ba patunay na sikat sila para gamitin ni AiAi na isa ring malaking pangalan dito sa Pilipinas?
Hindi ba dapat natutuwa ka ‘pag nagagamit ang gawa ng idol mo? Kailangan talagang lawakan ng iba ang kanilang utak sa mga ganitong bagay.
Imitation is the best proof that you are good, so matuwa at huwag magalit ‘pag ginagaya noh!
KC, ‘di natiis si Sharon
Happy days for Sharon Cuneta after mag-join sa Noche Buena nila si KC Concepcion. Big event para sa followers ng mag-ina na makita na in the best of terms ang mag-nanay.
Patunay lang na kahit ano pa ang maganap, ang nanay ay mananatiling nanay, at laging ang anak ang dapat magpakita ng pagsuko.
There is no pride between mother and daughter, there is only love and respect. Konting tampuhan, pero deep inside ang pagmamahal ay hindi puwedeng mawala.
Sina Sharon at KC ang patunay na love conquers all tampo, all intriga, everything, dahil magkadugtong ang puso nila, pareho ang dugo na tumatakbo sa kanilang ugat.
- Latest