Engaged na rin ang daughter nina Sen. Bong Revilla and Mayor Lani Mercado na si Gianna.
Yes, naunahan pa nito ang kuya nitong si Bryan.
Sa Instagram post ni Jolo ay kinongratulate nito ang kanyang kapatid.
“Congratulations, Gianna and Jedidiah on your engagement! May this new chapter in your lives, which was made more special since it’s Christmas, help you cherish the most important gift you have in your lives: your love for each other!,” ang post ni Vice Gov. Jolo.
Last week ay nag-celebrate naman ng first anniversary si Jolo at wife niyang si Angelica Alita. “Isang taon na mula ng sumumpa ako sa Diyos na ikaw ang kabiyak na aking pakamamahalin habang ako ay nabubuhay.
“Isang taon na rin mula ng ipagkatiwala mo sa akin ang iyong puso at pagmamahal bilang iyong katipan. Sa loob ng isang taon, may kaunti mang mga hamon, mas nanaig pa rin ang ating pagmamahal at pagtitiwala sa isa’t isa. Nalagpasan na natin ang isang taon, may isang habambuhay pa tayong bubunuin ng magkatuwang. Habang nakasentro sa Panginoon ang ating pagsasama, mananatiling matibay at matatag ang bigkis natin sa isa’t isa. Mahal na mahal kita!”