^

PSN Showbiz

Parade of stars ng MMFF, nairaos!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Parade of stars ng MMFF, nairaos!
MDA Chairman Danilo Lim
STAR/ File

Halos apat na oras din inabot angVirtual Parade kahapon ng Metro Manila Film Festival.

Yup, para rin silang nagpa-parade, wala nga lang pabonggahan ang float.

Naging tradition na ang Parade of Stars at kasama ito sa highlights ng MMFF tuwing Pasko.

Nung normal pa ang paligid, sa Roxas Boulevard ito ginaganap na dinarayo ng fans para makita ang mga idol nila na namimigay ng mga candy habang nasa float.

Dahil sa pandemya lahat ng ganap ngayong taon sa MMFF, virtual.

Mayor Joy Belmonte

Anyway, sa virtual parade ay nagbigay ng mensahe si Presidente Duterte and Sen. Bong Go.

Sina MMDA Chairman Danilo Lim and Quezon City Mayor Joy Belmonte ang officially nag-open ng MMFF 2020. Ang QC ang host city ng MMFF this year.

Pinasalamatan ng MMDA / MMFF si Mayor Belmonte sa patuloy na pagsuporta sa pelikulang Tagalog.

Present ang karamihan ng mga artista at director ng 10 official entries sa MMFF this year - Isa Pang Bahaghari (Nora Aunor and Phillip Salvador ay wala), Pakboys Takusa, The Boy Foretold by the Stars, The Missing, Suarez : The Healing Priest, Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, Tagpuan, Coming Home, Fan Girl and Magikland.

Maganda ang mga trailer ng mga ito at umaasa ang lahat na kikita ang mga pelikulang kasali.

Oo nga at wala sa mga sinehan, pero parang mas madali ngang mapanood dahil hindi mo na kailangang lumabas for P250.00.

Ang worry lang ng kasama kong bata sa bahay na tatlo sa 10 entries ang nakapilang panoorin ay sana raw ay hindi mag-lag or maging slow ang response ng internet habang nanonood sila.

Medyo nalilito lang ang ibang manonood kung alin ang uunahin nila dahil kumpara nung mga previous na taon, may Cinema Evaluation Board - CEB – na nagbibigay ng grade sa mga pelikulang kasali. At least dun nagkakaroon ng basehan ang ibang mga manonood.

Pero this time, iilan ang nagpa-preview kaya walang masyadong lumalabas na review ng pelikula.

Dalawa ang napanood ko – ang Isa Pang Bahaghari at Coming Home na parehong pampamilya at luluha ka talaga sa kuwento na bagay ngayong mga panahong ito. Starring sa Isa Pang Bahaghari sina Nora Aunor, Michael de Mesa and Phillip Salvador.

Sina former Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez naman ang mga bida sa Coming Home.

Bongga naman ang trailer ng Magikland, Tagpuan, Fan Girl and Mang Kepweng.

In naman ang BL story so, tiyak, susuportahan  ng LBTQ ang The Boy Foretold..., The Missing ay horror kaya may market at pinag-iinteresan naman ang buhay ni Fr. Suarez na controversial ang naging buhay noon.

Virtual din ang gaganaping Gabi ng Parangal.

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with