Alam mo, Ateng Salve, dahil nasa Dubai, United Arab Emirates ako ngayon, ilang mga kababayan na natin ang nakatsikahan ko at nagsasabing mukhang tuloy na raw sa April ang boxing fight ng ating Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao sa bansang ito, huh!
Excited nga sila na makakalaban ni Manny ang MMA icon na si Conor McGregor.
Kahit may COVID-19 pandemic pa rin, willing daw silang manood at magbigay ng suporta kay Manny dahil may health and safety protocols naman daw na ipapatupad!
Saka hindi ba ang balita, itutulong ni Manny sa ating mga kababayan sa pagsugpo ng nasabing virus ang lahat ng kikitain niya sa nasabing boxing fight, kaya marami talaga ang umaasang matutuloy ‘yon, huh!
Actually, may ilang celebrities ako na nakatsikahan din na madalas na pumupunta sa boxing fights ng ating Pambansang Kamao na willing daw pumunta rito sa Dubai para panoorin at suportahan si Manny.
Pero, Ateng Salve, feeling ko naman, safe to come here naman.
Mahigpit din kasi dito sa Dubai. Actually, nang dumating ako rito, kailangang i-present ko ang PCR swab test ko na negative nga ako (tsine-check mabuti sa Immigration sa atin bago makaalis), ‘tapos may swab test uli sa airport dito.
Anyway, abangan na lang kung matutuloy nga ba ang boxing fight ni Pacquiao versus McGregor.
Kuwento nga pala ng iba pang mga Pinoy na nakausap ko rito, may ibang events daw na ginawa ngayong December dito na natuloy naman.
May isang dating taga-GMA 7 (na lumipat sa TV5 at ngayon ay nandito na nga) ang ini-invite pa ako sa isang event dito na magsisimula na today.
Puwede naman talagang mag-go basta siguraduhin lang na sumusunod tayo sa health and safety protocols para iwas-COVID-19 at iba pang mga sakit, ‘di ba?!
MMFF umpisa na
So, Ateng Salve, bukas na magsisimula sa Upstream.ph ang Metro Manila Film Festival 2020, nakabili ka na ba ng online tickets para sa mga pelikulang panonoorin mo at ng pamilya mo?
Ako, bago pa umalis sa atin, bumili na ng tickets for Coming Home, Magikland, Tagpuan at The Missing.
Siyempre, maganda ang Coming Home nina former Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez at para talaga sa pamilya, kaya gusto kong panoorin ‘yon ng pamilya ko na sama-sama sila.
‘Yung Magikland naman na produced ni former Congressman Albee Benitez, ang ganda naman ng trailer, kaya exciting din panoorin at tribute rin ‘yon sa yumaong premyadong direktor na si Peque Gallaga.
Ang Tagpuan naman, type ko rin ang trailer at ang gaganda ng mga eksena nina Congressman Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao na kinunan pa sa bansa natin, Hong Kong at New York, kaya interesting din.
Ang The Missing naman, type kong matakot at kilala naman ang Regal Entertainment, Inc. sa pagagawa ng katatakutan, kaya papanoorin ko rin ‘yon at exciting din ang cast na pinangungunahan nina Miles Ocampo, Joseph Marco at Ritz Azul at suporta ko rin sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na sobrang mapagmahal sa entertainment press, huh!
Pero alam mo ba, Ateng Salve, buy uli ako ng online tickets para sa mga pelikulang panonoorin ko dahil kapag nasa abroad ka, iba ang access para sa mga ‘yon, $10 kung nasa abroad ka.
Ikinuwento ko nga ‘yon kay Jinggoy at aware naman pala siya na mas mahal sa abroad, kaya sabi ko, mas bongga at mas malaki ang kikitain ng 10 official movie entries ng MMFF 2020, huh!
O, ayan, suportahan natin ang mga pelikulang kasali sa MMFF 2020, huh! ‘Yun na!