Buhay ni Pacquiao gagampanan ni Rami Malek, Leonardo Dicaprio pasok na coach?!

Manny Pacquiao

Wow, may chika na si Rami Malek ng Bohemian Rhapsody (nanalong Best Actor sa 2019 Oscars for his portrayal of Freddie Mercury) ang gaganap na Manny Pacquiao sa life story ng boxing champion turned senator na ipalalabas sa Netflix after ng confirmation ni Sen. Pacquiao na may mga offer ngang gawing pelikula ang kanyang buhay.

Aside from Rami Malek, makakasama rin diumano si Leonardo DiCaprio, as Coach Freddie Roach.

“There is a proposal but hindi pa kami seriously na nag-usap ng finality about that topic,” sabi ni Sen. Manny sa interview ng ANC.

Pero ayon kay Sen. Manny si Leonardo ay na-mention na sa kanya, pero si Rami Malek ay hindi pa.

Mga lalaking nai-in love sa katropa, makaka-relate sa foretold...

Naaliw kami sa MMFF entry ng Clever Minds Productions, The Boy Foretold by the Stars na pinagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson.

Magaling silang dalawa pati ang mga supporting cast na karamihan ay taga-teatro at nakagawa na rin ng ilang indie films at BL series.

Kuwento ito ng dalawang estudyante na na-develop sa pag-iibigan ang friendship ng bading at tunay na lalaki.

Napagtanto nga naming sa panahon ngayon ay halos ang mga kalalakihan ay naging bahagi ng buhay nila ang isang bading.

Sa nakaraang presscon nito ay inamin naman ni Keann na posibleng ma-in love siya sa isang bading o magkaroon ng homosexual relationship, pero hindi pa naman daw ito nangyari sa kanya. Meron na raw bading na nagparamdam ng pagmamahal sa kanya pero hindi niya ito tinanggap.

Ganundin daw ang nangyari sa isang co-star nilang si Vic Robinson na naging kaibigan naman daw niya itong bading na na-in love sa kanya. “At the end of the day, love is love. So, wala pong gender, walang sexual preference or something. At the end of the day, kung mahal mo ‘yung tao, mahal mo siya.

“Meron pong nagpahayag ng pagmamahal, pero secure naman po ako na ako ay heterosexual, sinabi ko naman po na maging good friends, and until this day good friends pa rin kami nung nagpahayag ng kagustuhan,” pahayag ni Vic.

Tingin ng direktor ng pelikula na si Dolly Dulu, handa na raw ang mga manonood sa ganitong tema ng pelikula. “It’s about time na rin po siguro. Medyo matagal-tagal na rin itong hinihintay. I think ngayon ang perfect time kasi nabuksan na ‘yung culture na ito dahil marami na pong series na lumabas. So, na-prepare na ‘yung audience sa ganitong kuwento. Tapos ngayon movie na siya at MMFF pa, parang wala na kasi silang choice. Kasi part na siya ng line up eh,” saad ni direk Dolly.

Isa sa mga producer nito si Jodi Sta. Maria at tuwang-tuwa raw siya nang napanood ang natu­rang pelikula.

Show comments