MANILA, Philippines — Kumpirmado nang darating sa dambuhalang streaming platform na Netflix ang isa na namang "live action" series base sa isang sikat na manga at anime — sa pagkakataong ito, ang tanyag "Yuyu Hakusho."
Mas kilala sa tawag na "Ghost Fighter" sa Pilipinas, sumikat ang naturang palabas nang unang ipalabas sa IBC 13 noong kalagitnaan ng dekada '90 hanggang sa ilipat sa GMA noong 1999.
"When Yusuke dies saving another’s life, he’ll embark on a journey across the world of humans, spirits, and demons to return to the land of the living," ayon sa Twitter accounts ng Netflix, Miyerkules nang umaga.
"Yoshihiro Togashi’s legendary manga Yu Yu Hakusho will be a live action series on Netflix!"
When Yusuke dies saving another’s life, he’ll embark on a journey across the world of humans, spirits, and demons to return to the land of the living. Yoshihiro Togashi’s legendary manga Yu Yu Hakusho will be a live action series on Netflix! pic.twitter.com/K4t5eNta9d
— NX (@NXOnNetflix) December 16, 2020
????? ??? ??? ?????
??? ????????
Netflix????????????
?? ?????????????????
????????????????
??????????????????
????????#??????? #???? pic.twitter.com/3xA2BMfEvN— Netflix Japan Anime (@NetflixJP_Anime) December 15, 2020
Noong i-dub ito sa Pilipinas para sa mga batang '90s, pinalitan ang pangalan ni "Yusuke" patungong "Eugene," sampu ng iba pang mga karakter sa sikat na palabas.
Dahil sa live action ito, hindi na cartoon ang presentasyon ng programa at gagamitan na ng tunay na mga tao bilang aktor.
Inaasikaso na ng ROBOT ang produksyon nito. Sinasabing si Kazutaka Sakamoto ang magsisilbing executive producer ng nasabing Netflix Original Series, ayon sa website na Crunchyroll.
Alinlangan sa kalalabasan
Hati naman ang naging reaksyon dito nang maraming fans, sa takot na "masira" ng adaptation ang mahusay na pagkakagawa sa orihinal na manga at anime — bagay na inirereklamo ng ilang manunuod sa mga nakalipas na attempts ng Netflix sa live action adaptations.
Someone please tell Netflix to desist from the idea of making a live version show of Yu Yu Hakusho pic.twitter.com/N3pkAJm0YZ
— ????Dr. OTAKU???? (@DrOtaku2) December 16, 2020
Netflix if you fuck up Yu Yu Hakusho we going to fight https://t.co/EeTvkY0uZY
— toast? (@__britneyy1__) December 16, 2020
WAIT NETFLIX IS DOING A LIVE ACTION OF YU YU HAKUSHO, I feel like it’s gonna be like the death note live action all over again ????
— Law ? (@K0R3K1Y0L0V3B0T) December 16, 2020
NO NO NO NOT MY FAVORITE ANIME OF ALL TIME!!! NETFLIX DO NOT RUIN YU YU HAKUSHO. BETTER YET JUST DON'T MAKE IT. pic.twitter.com/HlwC2aiBVJ
— Stephanie ????? (@puff1058) December 16, 2020
Netflix wasn’t done ruining shows with live action adaptions. Now they gonna ruin Yu Yu Hakusho pic.twitter.com/3tZVrEZuSr
— Mango (@Laaaal121) December 16, 2020
Sa kabila nito, ilang fans naman ang nananatiling positibo rito at umaasang magagawan ng hustisiya ang remake.
"Its not the most flashy anime so I can't imagine the Special FX will look terrible," ayon naman sa Twitter user na si @MrMekStuff.
"Netflix rarely misses on a big SERIES. The story may differ but I think the quality will be solid."
Ayon naman kay @Variehtay, umaasa siyang magiging maganda ang gawa ng Netflix lalo na't ito ang unang anime na kanyang pinanuod noong 10-taong gulang pa lang siya.
Wala pa namang ibinibigay na petsa at buwan ang Netflix kung kailan nila ipapalabas sa kanilang site ang palabas.
Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang makuha ng paid streaming service ang rights para i-distribute sa madla ang orihinal na '90s anime series.