Ibang-iba ang magiging selebrasyon ng Kapaskuhan ngayon ni Kathryn Bernardo. Ayon sa aktres ay hindi kumpleto ang kanilang pamilya dahil na rin sa pagkakaroon ng pandemya. “Usually on Christmas, we just stay at home and have dinner. Important ‘yung sama-sama kami buong family. So this year, it’s a bit different. Kasi usually umuuwi ‘yung sister ko from UK and then ‘yung brother ko umalis ngayon, so medyo iba ‘yung setup kasi ‘di kami magkakasama physically. This time hindi naman tayo pwede umalis. So better na lang to stay safe at home. Very simple lang,” pagbabahagi ni Kathryn.
Para sa aktres ay masaya talaga ang kanyang karanasan o ang naging mga selebrasyon ng Pasko noong kanyang kabataan. “Favorite Christmas memory ko, pagpatak ng 12, magno-Noche Buena kayo sa 24. Tapos pagpatak ng 25, magbubukasan ng gifts. Gustung-gusto ko na nagpi-prepare ako ng gifts, tapos makaka-receive ako ng gifts. It doesn’t matter kung gaano kasimple. Just the fact na may ino-open ka sa Christmas tree, ‘Yon ‘yung nagpapa-feel ng Christmas for me. Saka ‘yung may bata sa bahay tapos ikaw ‘yung nagpi-prepare ng ilalagay sa socks nila kung ano ‘yung naging wish nila kay Santa,” kuwento ng aktres.
Jairus, grabe ang anxiety attacks kapag walang trabaho
Malaki ang pasasalamat ni Jairus Aquino sa pamunuan ng Star Magic dahil sa pananatili pa rin niyang Kapamilya kahit nagsara na ang ABS-CBN.
Mahigit isang dekada na ang aktor sa pangangalaga ng Star Magic pero posibleng lumipat kung magkakaroon ng ibang alok sa kanya. Mapapaso na ang kontrata ni Jairus sa susunod na taon. “Wala rin namang offer pa sa iba kaya nandito pa rin ako sa kanila. Bilang respeto sa network na I’ve been with more than 14 years na rin. Pero siyempre at the end of the day kapag kailangan na talaga, kasi hindi naman tayo habang buhay eh, magiging okay sa ganito. Kasi siyempre may mga pangangailangan po tayo di ba,” makahulugang pahayag ni Jairus.
Pitong taong gulang pa lamang ang aktor nang magsimula sa show business. Mula noon ay malaki na ang naitulong ng pagiging artista ni Jairus sa kanyang pamilya. “Honestly speaking medyo not as much as other actors in ABS-CBN na meron. Natulungan nila ako for almost 14 years na makabili ng sasakyan, matulungan ‘yung sarili ko and stuff like that. Pero para sa mga nangyayari ngayon, kung magla-last ako for a year, medyo hindi na. Kung ako lang po ah, like sa akin lang kasi si daddy may work at si mommy may business naman. Pero kung ako lang, hindi na aabot. Hindi naman ako magastos, talagang hindi lang din talaga kakasya kung ang pagbabasehan ay sa sweldo na meron ako sa ngayon,” pagtatapat ng aktor.
Nakararanas ng anxiety attacks si Jairus dahil na rin sa hindi magagandang pangyayari ngayong taon. Ayon sa aktor ay talagang umaatake ito lalo na kapag wala siyang ginagawang trabaho. “Mas kaya kong panghawakan ‘yon kung may ibibigay naman sila, kaya ko namang gampanan. Before talaga ng pandemic may anxiety na ako. Pero dahil busy, may work, so nada-divert ‘yung atensyon mo and okay siya. Nag-a-attack lang siya ‘pag sobrang problemado, pero ngayong pandemic nag-start talaga ma-trigger siya nang madalas. Tapos ‘yung nangyari pa sa ABS-CBN, nandiyan na ‘yung sleepless nights, nand’yan ‘yung biglang hindi ka makahinga,” kuwento ng binata. (Reports from JCC)