^

PSN Showbiz

Nadine tuloy ang pagma-manage sa sarili, handang sagutin ang demanda ng Viva

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nadine tuloy ang pagma-manage sa sarili, handang sagutin ang demanda ng Viva
Nadine

Nagpahayag ng solid na suporta ang mga fans ni Nadine Lustre pagkatapos lumabas ang balitang kinasuhan siya ng Viva Films dahil sa pag-violate diumano ng kontrata sa naturang produksyon.

Hindi raw puwedeng tumanggap ng trabaho ang aktres dahil sa pinirmahang kontrata nito sa Viva.

Nung Biyernes ng gabi ay nag-trending ang #IStandWithNadine na ipinost ng fans niya.

Nai-forward din sa amin ang statement ng legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa kasong isinampa ng Viva laban sa aktres.

“We welcome the complaint and we are confident that the truth will come out about VAA being predatory, oppressive and abusive not only of Nadine but it’s many other talents. The contract is an Agency contract and Nadine is the Principal- and it is the right of the Principal to terminate the Agent when it is not performing its commitments under the Agency Agreement.

“We are prepared to prove VAA ‘s material breach of the contract. We are likewise prepared to show that VAA is guilty of tortious third party interference by its threatening/pressuring third parties dealing with Nadine in good faith and scaring them with potential court cases.

“Nadine is now self- managing which she has every right to do especially during these difficult pandemic .It is her prerogative to continue to earn without VAA getting an unconscionable amount in agency fees which it does not deserve.

“This is not Nadine’s fight alone - it is for all talents/ artists who are similarly situated,” ang kabuuan ng statement ng kampo ni Nadine.

Paolo naka-quarantine pa rin pagkagaling ng Denmark

Malaki ang pasasalamat ni Paolo Contis na naging maayos ang kanilang shooting sa Denmark kung saan ginawa nila ang pelikulang The Faroe Way Land na kinunan sa Faroe Island sa Denmark.

Ang producer ng Through Night and Day ang nag-produce nito na talagang ginawan daw ng paraan na matuloy ang shoot sa naturang bansa kahit medyo mahirap ang mga proseso.

Ayon kay Paolo, iba na raw ang proseso ng pagkuha ng visa at kailangan masunod daw ang mga safety protocol na ipinapatupad para makagpag-shoot lang doon sa Denmark.

Ilang beses daw silang na-swab test dito, at a day bago umalis pa-Denmark ay another swab uli.

Pagdating sa Denmark ay another swab test, at sa pang-anim na raw doon ay dadaan uli sa swab test.

“Medyo mahirap siya. Thanks to the team na ­naging matiyaga, natapos namin,” pakli ng Kapuso actor nang nakapanayam namin sa DZRH nung Biyernes ng gabi.

Nakabalik na siya ng bansa nung nakaraang Martes pero deretso muna sila sa isang hotel pagkatapos ng test sa kanila sa airport. “Nung dumating ako Martes o Wednesday, na quarantine muna kami sa hotel hangga’t hindi pa nakalabas ‘yung results from the airport.

“Kasi pag-land namin sa Pilipinas merong test ‘yun. Tapos idineretso kami ng hotel kung saan approved ng DOH. Dun kami puwede mag-stay. After a day, kung saan lumabas yung results puwede na kaming umuwi. Pero eto naka-quarantine uli ako sa bahay just to make sure kasi nagpa-test uli ako kaninang umaga. Para sure na sure ‘ikanga,” dagdag niyang kuwento sa amin.

Siyempre sobrang na-miss niya sina LJ at ang anak niya, pero ang nakakatuwa lang daw kay Summer naintindihan na nito ang sistema na kapag nagtrabaho sa labas si Paolo, hindi siya agad makalapit pag-uwi nito. “Hanggang pinto lang siya eh. Pero araw-araw ko naman silang nakakausap.

“Sobrang cute niya. Alam niyang hindi niya ako puwedeng i-kiss. So, nag-flying kiss lang siya sa akin. Matalino si Summer eh,” natutuwang kuwento pa ng actor. Kaya ilang araw pa raw siyang naka-quarantine sa kuwarto para matiyak lang na safe siya.

Proud si Paolo sa pelikulang ginawa nila sa Faroe Island sa Denmark dahil ibang-iba raw talaga ang tanawing mapanood dito. “Kung titingnan mo, parang peke siya eh. bKami ni Lucky (producer), naniniwala kami na sa mga kuwento ng pelikula somehow nagawa na yan lahat. Pero it’s how you tell the story na kakaiba ‘di ba?” sabi pa niya na tinitiyak niyang magugustuhan ng mga mano­nood itong ganda ng mga tanawin sa Faroe Island.

Bahagi sa production nito si Paolo na kung saan isa siya sa mga co-producers. Kaya sobrang involved siya rito.

Nagpapasalamat lang siya na may producer na nagbabakasaling gumawa ng pelikula at kinunan sa ibang bansa kahit medyo mahirap pa gawa ng pan­demyang hinaharap natin.

Hindi pa muna niya masasabi kung kailan ito mapapanood. Pero sana mabubuksan na ang mga sinehan sa susunod na taon dahil tiyak na ma-appreciate raw nang husto ng mga manonod ang ganda ng Faroe island na pinagsyutingan nila.

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with