Nanay ni Maine, laging nakakaalala

Maine

Love ko talaga mommy ni Maine Mendoza, Salve. Talagang lagi niya tayong naalala ‘pag Pasko. So sweet of her.

Tiyak na magri-react na naman ang fans ni Maine at sasabihin hindi ako kilala ni Maine, hah hah.

Totoo, pero at least kilala ako ng mother niya dahil nagkakasabay kami sa Bambbi Fuentes Salon.

Saka hindi naman importante sa akin kung ‘di kami close ni Maine, ang importante meron siyang member ng family na mabait sa akin.

Sabi ko nga noon, mag-maldita na sila Yasmien Kurdi at Jennylyn Mercado, hindi ako magri-react dahil ang bait ng mga nanay nila sa akin. Iyon ang importante, basta may kapamilya ka na nagbigay galang, ok lang. Iyon gesture ng mommy ni Maine lagi kong maalala kahit pa nga every Christmas lang niya ginagawa, big deal sa akin.

No wonder blessed din si Maine dahil mabait ang pamilya niya.

Kuwentuhan inabot ng tatlong oras...

Ang sarap ng kuwentuhan natin nila Cris Roque ng Kamiseta, Ms. Batangas Leo Espinosa, Pat P. na reyna ng Bacolod at Brightlight, Gorgy, Salve sa ating pre-Christmas lunch. Talagang kahit bihirang magkita-kita dahil nga sa pandemic, grabe na inabot ng mahigit na tatlong oras ang chicahan na halos tawanan lang tayo nang tawanan.

Maraming off the record, maraming kalokang balita pero dahil nga between friends ang usapan, tuluy-tuloy lang.

Talagang napagka-sunduan natin na pumunta ng Batangas para magpahilot, at makita ang pink house ni Bb Batangas Leo at ang kanyang mga ‘titas’ of the barangay na mga bago niyang barkada ngayon.

Looking happy na si PatP sa bago niyang mundo sa Brightlight at naka-move on na sa kanyang ABS-CBN departure, hah hah, at si Cris ng Kamiseta talagang glowing with success dahil sa good income ngayon ng Kamiseta Apparel at Skin. Talagang iba ang business touch ni Cris Roque.

Hay naku, ang sarap talaga ng ganitong paminsan-minsan kuwentuhan, very refreshing at calming, at very sweet dahil talagang feel mo ang friendship sa paligid at Paskong-Pasko ang spirit.

Show comments