Bubuhaying muli ng ABS-CBN ang mga pelikula ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., bilang pagbibigay pugay sa kanyang death anniversary ngayong Disyembre.
“Sa panahong ito, kailagan natin ng inspirasyon. Makakakuha ng inspirasyon ang mga manonood sa mga pelikula ni FPJ dahil nagpapakita ito ng tagumpay sa harap ng hamon sa buhay kapag tayo ay nagpupursige,” sinabi ni Macie Imperial, ABS-CBN head of Integrated Acquisition and International Sales & Distribution.
Mapapanood sa A2Z Channel ang mga maaaksyon at comedy movies ni FPJ, kabilang na ang Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape (Dec. 13) Isusumbong Kita sa Tatay Ko, (Dec. 20) at May Isang Tsuper (Dec. 27).
Sa Cinemo naman, halong aksyon at kwento ng totoong buhay ang mapapanood, tulad ng Epimaco Velasco (Dec. 14), Totoy Bato (Dec. 15), Kalibre .45 (Dec. 16), Nagbabagang Asero, (Dec. 17) at Sigaw ng Katarungan (Dec. 18), samantalang hatid naman ng CinemaOne ang King (Dec. 13) Sambahin ang Ngalan Mo (Dec. 20) at Ayos na…Ang Kasunod (Dec. 27)
Matutunghayan naman sa iWantTFC mula Disyembre 14 hanggang 20 ang remastered versions ng mga piling pelikula gaya ng Agila ng Manilla, Ang Alamat ng Lawin, Ang Padrino, Dito sa Pitong Gatang, Isang Bala Ka Lang Part 2, “Pakners, Umpisahan mo at Tatapusin ko, and Ayos na…ang Kasunod.
Mapapanood naman sa Facebook Page ng Jeepney TV ang all-time FPJ classic na Batang Quiapo sa Disyembre 14, 7 PM.
Nagbigay pugay rin ang Cinemo at Trabahanap sa real-life heroes sa TrabaHero (FPJ Special), kung saan tampok ang mga kwento ng kabayanihan ng mga Pilipino, gaya sa iba’t ibang karakter na ginampanan ni FPJ, sa Trabahanap Facebok page.
Huwag kalimutang panoorin ang mga pelikulang nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino ngayong Disyembre sa A2Z Channel, Cinemo, iWantTFC, at Jeepney TV Facebok page.