Cong. Niña Taduran, minamadaling maging national artist si Nora Aunor

Cong. Niña Taduran
STAR/ File

Humabol kahapon sa TIPMMG si Cong. Niña Taduran para maki-chika sandali sa tatlong host ng No. 1 digital talk show.

Pinag-usapan recently ang ipinasang resolution ni Cong. Niña para mas mapadali ang pagde-deklarang National Artist ni Ms. Nora Aunor na kababayan niya. “Ms. Nora Aunor’s time is now. Her recognition as National Artist is long overdue,” pahayag ni ACT-CIS Partylist Representative Niña sa paghaharap niya ng House Resolution Number 1352 na humihikayat sa House of Representatives na inomina si ate Guy bilang National Artist Award for Film bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura ng bansa.  “She has been denied the recognition twice. We are not looking for a saint. We just want to honor someone for her amazing talent and work which brought glory and inspiration to the country,” ayon pa kay Cong. Niña.

Kung sabagay, limang dekada ang si Ate Guy at tambak na ang local at international acting awards.

In all fairness kay Cong. Niña, inisa-isa niya ang award nito - Best Actress award sa FAMAS, URIAN, Star Awards, Metro Manila Film Awards, Luna Awards at Young Critics’ Circle Awards.

“Pinarangalan din siya bilang Best Actress sa Cairo International Film Festival, Saint Tropez International Film Festival, Asian Film Awards at Venice International Film Awards. Siya rin ang kauna-unahan at nag-iisang Pilipinong artista na nakatanggap ng Certificate of Honors sa Cannes noong 1981 at Berlin noong 1983. ­Maging ang CCP ay pinarangalan siya ng Gawad CCP noong 2015.  Ang CCP at National Commission on the Culture and Arts ang nangunguna sa paghahanap at nag-aaral sa background ng mga nominado para sa National Artist,” dagdag pa niya.

Bukod siyempre rito, si ate Guy ang kauna-unahang Pilipinang aktres na nabigyan ng parangal bilang isa sa Ten Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) noong 1983.

“Ano pa ba ang hinahanap natin para maibigay ang Order of National Artist recognition para sa batikang aktres na si Nora? Hindi dapat husgahan si ate Guy sa mga personal na pagkakamali. Dapat lamang na bigyan siya ng parangal sa husay niya sa sining at ang napakalaking kontribusyon nya sa industriya ng pelikula,” pagdidiin pa ni Taduran.

Ang Order of National Artist ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng  NCCA at CCP, batay sa pag-apruba ng Pangulo ng Pilipinas.

Every three years ito ibinibigay sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang sining, lalo na ang mga nagbigay ng mabigat na kontribusyon na nakatulong para mas lalong ma­ging matatag ang kulturang Pilipino at naghahabi ng bagong susundan ng mga Pilipino sa sining.

Naman, sobra-sobrang deserving naman si Ate Guy.

Hindi personally kilala ni Cong. Niña si Ate Guy, pero since kababayan niya ito, pakiramdam niya ay napaka-unfair na pinag-dadamutan ito sa ganung klase ng pagkilala.

Anyway, maraming salamat sa lahat ng mga tumutok sa TIPMMG kahapon at sa mga nagpadala ng comment na majority ay galing abroad.

Overwhelming ang messages nila at pasasalamat na ang programa raw ang happy pill nila.

Sa mga hindi pa nakapanood, maki-Team Replay sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Show comments