Ellen, hindi pumapatol sa may asawa
Bong, soplak daw noon
MANILA, Philippines — Never palang pumatol si Ellen Adarna sa may asawa. Kaya pinag-usapan kahapon kung may chance na magkaroon sila ng something ni John Estrada namagiging leading man niya pala sa kanyang comeback series sa TV5.
Yup, ayon sa source ng Take It... Per Minute, Me Ganun, sila ang magtatambal sa isang series na mapapanood sa TV5.
Si Nay Cristy Fermin, ramdam niya na may chance na ma-in love si Ellen dahil grabe raw ang charisma ni John sa babae. Pero si Nay Lolit Solis naman ay biglang nagpa-throwback na ‘natipuhan’ noon ni Sen. Bong Revilla si Ellen – nang magkasama sila sa Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat at Si Enteng Kabisote kung saan may special appearance si Ellen and kasama rin sa movie si Gwen Zamora.
Pero na-soplak daw si Sen. Bong noon dahil sinabi diumano ni Ellen na ayaw niya sa may sabit.
At ganito rin daw ang nangyari noon kay Baste Duterte, nang malaman daw ni Ellen na hindi pala ito hiwalay sa girlfriend niya, nakipaghiwalay ang ex ni John Lloyd Cruz sa anak ni President Digong.
Nagsimula ang chismisan nila sa blind item ni Mr. Fu tungkol sa isang actor na grabe raw ang init ng katawan na kahit nasa set ng kanyang serye o kahit anong programa, ‘pag nakakaramdam ito at may natipuhan sa set, ayun na, kahit nasa likod ng kurtina, nakakatapos na. Nahulaan nilang si John diumano ‘yun na magiging partner nga ni Ellen.
Happily married si John sa dating Miss Earth na si Priscilla Meirelles.
In all fairness kay Ellen, kahit inactive siya sa showbiz at tutok sa social media ang buhay lagi naman siyang hot topic na ang pinaka-last nga ay itong papa issue kay John Lloyd Cruz - nang tanungin ang anak nilang si Elias na who is your papa, sagot ng bata ay si Papa P na ang tinutukoy pala ay ang asong alaga nila.
Anyway, pinag-usapan din kahapon sa episode 78 ng TIPMMG na si Lorna Tolentino pala ang first choice para sa TV series na Paano Ang Pasko na pinagbibidahan ngayon ni Maricel Laxa na gandang-ganda si Nay Cristy.
Pero nasa lock-in daw kasi noon si LT for Ang Probinsyano kaya hindi nito natanggap ang offer ng company nina Direk Perci Intalan ang Direk Jun Lana.
Si Nay Lolit ang nag-chika rito bilang siya ang manager ni Lorna na nagagalit na raw sa kanya dahil binubuking niya ang mga kuwento nito sa kanya.
Hahaha. Kaswalan ang kuwentuhan sa no. 1 digital talk show ng kaya aliw talaga ang mga nanonood sa programa every Tuesday, 12-1 p.m. sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.
- Latest