^

PSN Showbiz

Lassy takot kay Ogie!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Lassy takot kay Ogie!
Lassy
STAR/ File

Si Vice Ganda ang naging tulay kung bakit naging magkaibigan sina Ogie Diaz at Lassy Marquez. Matatandaang si Ogie ang tumayong talent manager ni Vice noon na kasamahan ni Lassy sa mga comedy bar. “Number one fan ako ng mga stand-up comedians. Una si Vice, tapos sila. Nagpi-feeder sila, nagsa-sidekick sila kay Vice kaya ayun, nagustuhan ko rin sila kasi ang galing ng tandem nila,” bungad ni Ogie.

Ayon naman kay Lassy ay nakaramdam siya ng takot kay Ogie noong hindi pa sila nagkakakilala nang personal. “Ogie Diaz is Ogie Diaz, hindi ba bata ka pa lang napapanood mo na siya. Sa May Minamahal (pelikula ni Aga Muhlach) hindi ba? Respeto, hindi ‘yung sobrang takot naman. Mataas ang standard ni Mama Og pagdating sa comedy kasi at sa lahat ng bagay. ‘Yung respetadong tao kasi, kapag sinabing Ogie Diaz is Ogie Diaz, kaya nandoon ang takot pero may respeto,” pagtatapat naman ni Lassy.

Kinuha si Lassy bilang ninong ng isa sa mga anak na babae ni Ogie. Kahit hindi madalas na nagkakasama ay palagi naman daw nagkakausap ang magkaibigan. “Siyempe digital connection, ‘yan na ang uso ngayon, may cellphone. Kapag may kailangan naman hindi naman iniisip na, ‘Ito naman si Lassy minsan lang mag-text may kailangan pa,’ walang gano’n. Matik (automatic) ‘yan i-entertain namin ang isa’t isa. Gano’n ang friendship, walang kuwentahan,” pagbabahagi ni Ogie.

Kakai, takot na uling magka-COVID-19

Malaki ang pasasalamat ni Kakai Bautista sa Star Cinema dahil muli siyang nakabalik sa trabaho pagkatapos maka-recover mula sa COVID-19 noong Setyembre. Kabilang ang aktres sa pelikulang Four Sisters Before the Wedding na mapapanood na simula sa December 11 sa pamamagitan ng ktx.ph, iwantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV at pay per view ng Sky Cable. “Sobrang grateful ako sa Star Cinema sa mga opportunities na binibigay nila sa amin. Una, grateful tapos natakot ako kasi nga first time ulit magwo-work tapos pandemya. Unang fear ko is magkasakit, ‘yung magkaroon ng COVID ang fear ko. Kung anong mangyayari ‘pag may shoot na. Kasi nawala lahat ng fears ko no’ng nando’n na ako. Grabe ‘yung sistema ng Star Cinema. no’ng una bakit parang gano’n, parang ang hirap. Paano natin gagawin? Paano tayo gagalawan?” kuwento ni Kakai.

Oktubre nang maranasan ng komedyana ang lock-in shoot para sa naturang pelikula. Mara­ming mga bagay umano ang natutunan ni Kakai dahil na rin sa ipinatutupad na safety protocols sa trabaho. “No’ng shoot sabi ko hanep, tama na naging gano’n. Kasi kung hindi, hindi magiging solid ‘yung samahan namin. At least kumbaga, bumalik tayo to square one kasi natuto kami ulit. Wala kaming kasamang P.A. (personal assistant), kailangan magtulu­ngan kami. Natutunan namin ulit na maging simple katrabaho na walang kasama, walang katulong, kami lahat. ‘Yung disiplina na na-acquire natin ‘pag wala na ‘yung pandemya. Sobrang nakatulong sa aming lahat and siguro lahat talagang blessed lang ka­ming lahat na nabigyan kami ng opportunity to do this i­conic film,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with