Kami sa The Boy Abunda Interview Specials ay nabigyan ng pagkakataon upang mas makilala pa ang Mayor ng Palayan City, Nueva Ecija na si Rianne Cuevas. 2013 nang unang mahalal bilang alkalde ng lungsod at mula noon ay lalo pang umunlad ang mga lugar na nasasakupan ni Mayor Rianne. Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Palayan ang kanilang 55th founding anniversary.
Malapit sa puso ni Mayor Rianne ang mga magsasaka kaya naman talagang tinutulungan niyang mabigyan ng kabuhayan ang mga ito. Malaking bahagi ng isang pamayanan ang mga magsasakang labis na nagpapakahirap upang makapagbigay sa mga tao ng mga pagkaing nagmumula sa kanilang itinatanim. “Every year I give recognition to the farmers. We have this farmers congress and as a prize. They get to have ‘yung mga raffle na kalabaw, piko, sako ng fertilizer, mga plough, kambing, manok. All year round we connect with ATI and the other agencies to teach them, to help them. Palayan, we have a lot of storage facilities for onions. So there would come a time na merong surplus ng onions. Puwedeng ‘yung class B siguro they can buy it at a cheaper price. And then granulate it, added business na iyon. During calamansi time and masyadong marami ‘yung harvest na nagye-yellow na lang. Before it becomes yellow, you buy it because it’s cheap and then squeeze the juice and do soap, tea. I’m looking forward na magawa ko ‘yung aqua-industrial park for these farmers and housewives na pwede mag-cottage industry doon,” pagbabahagi ni Mayor Rianne.
Bukod sa mga magsasaka ay talagang malapit din ang loob ng Alkalde sa mga senior citizens. Palaging mayroong pagtitipon noon para sa mga matatandang nagdiriwang ng kanilang kaarawan. “We have this quarterly, to divide the 3,000 senior citizens registered to us. Pumupunta kami sa Plaza Concepcion. We sing to them, we do games, we give them gifts just to acknowledge and thank them na they’re still with us. During this pandemic, ako mismo with the DSWD team, we went four days sa mga barangay to give them their regalo. Wala na lang celebration pero at least we let them know, ‘You are being remembered by the city,’” kuwento ni Mayor Rianne.
Kahanga-hanga ang serbisyong-medikal na ipinagkakaloob ng pamahalaan ng Palayan para sa mga mamamayan sa lungsod. “Other politicians, they give 50, 100, 500, 1,000, 2,000 if they ask for medical assistance.
What we did, talagang from the time pumasok sila sa hospital hanggang ma-discharge. And most often than not, pati ‘yung kanilang medication, take-home meds. We have this thing in LGU, AICS-Assistance In Crisis Situation. Doon nakakahingi rin sila ng add-ons. Plus may other sources pa na PCSO, malasakit and the other Congresswomen ng Nueva Ecija nakakatulong din po,” pagdedetalye ni Mayor Rianne.
Hindi lamang ang mga nakabase sa Palayan ang natutulungang magkaroon ng trabaho sa pamamahala ng Alkalde. Maging ang mga overseas Filipino workers na umuuwi sa lungsod ay binibigyan din ng pagkakataon ni Mayor Rianne sa pamamagitan ng kanilang business hub. “We have job employment, recruitment day. May regular job fair kami. Na-kick off ko na rin ‘yung OFW day. ‘Yung mga nahihirapan nga they wanted to be repatriated. They want to come home, ina-assist natin ang OFW and then ‘yung mga tinrain namin sila ang sine-send off namin, binibigyan namin ng allowance. So that pagdating do’n mahirap ‘yung walang pera. Ang pangarap naman natin sa dulo ng kuwentong ito ay sana’y lahat na sila umuwi. That’s why you have a business hub. We’re trying to create jobs. Binubuo natin ‘yung pamilya nila. It’s not only for Palayanos. It’s for the Nueva Ecijanos. ,” nakangiting pahayag ni Mayor Rianne.
Mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay nagsilbi rin bilang isang frontliner ang Alkalde. Isang Registered Nurse si Mayor Rianne kaya isa rin siya sa mga nakapagsagawang rapid testing para sa mga kababayan. “We got busy kasi we were preparing PPE’s already, looking for suppliers. Ang hirap ‘yung mga masks, alcohol. We were trying to complete and then we sent to Palayan. We had to give to our other municipalities, ‘yung chicken, vegetables, goods, rice sa mga barangay and money. At that time ang daming tumulong din sa akin. Nagkaroon ako ng random testing in all barangays, we did 10,000 plus. As a nurse, isa ako sa mga nagpi-prick sa kanila. Hindi nila ako nakikilala kasi naka-mask, naka-PPE, kapag kinausap ko na lang, ‘Ay! Si Mayor pala ‘to!’ biglang ‘Tsuk!’ Tutusukin ko sila. So hindi naman makapalag ano. Wala kaming death so far,” paglalahad ni Mayor Rianne.
Pagdating naman sa edukasyon ay gustong ipatupad ng Alkalde ng Palayan ang pagkakaroon ng pasok kapag Sabado para sa GMRC o Good Manners and Right Conduct, English at Computer classes upang magkaroon ng dagdag-kaalaman ang mga estudyante. Taun-taon ding isinasagawa sa Palayan ang Anti-illegal Drug Summit para makaiwas ang mga kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Unti-unti nang naisasaayos ni Mayor Rianne ang pagpapagawa ng mga bahay para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong na rin ng ilang ahensya tulad ng National Housing Authority at Pag-ibig.
Mapapanood ang ikalawang-yugto ng aming panayam kay Mayor Rianne sa The Boy Abunda Interview Specials ngayong Sabado sa ANC, 9:30 p.m. (Reports from James C. Cantos)