^

PSN Showbiz

Anak ni Ka Tunying, lumalaban

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Ka Tunying, lumalaban

Very sad naman ako sa pinagdaraanang pagsubok sa buhay nina Ka Tunying at Rossel Taberna. Siguro nga ‘pag meron kang anak na may leukemia na tulad ng anak nila, araw-araw ay parang ang bigat ng dibdib mo.

Hanga ako sa tatag ng loob nina Ka Tunying at Rossel, pero mas hanga ako sa anak nila na patuloy na lumalaban sa sakit na nararamdaman. Siguro nga hindi ibibigay sa atin ang mga ganyang klaseng pagsubok sa buhay kung hindi natin kaya.

Siguro nga kahit sabihin mo pa na bakit hindi na lang ako, bakit ang anak ko pa na 11 years old lang ang nakadama ng ganitong karamdaman, may dahilan ang ating God kung bakit.

Ka Tunying and Rossel are two people na napakabait at matibay ang pananalig, kaya alam naming malalagpasan nila ang pagsubok na ito. Sa kanilang mahal na anak, dasal namin na sana makayanan pa niya ang sakit at patuloy lang sa paglaban.

Mabait si God, alam niya ang mabuti para sa ating lahat, just entrust everything to Him and it will be done. Stand tall and more strength for the Taberna family, we will always pray for your daughter.

Pasko, damang-dama pa rin

Parang punung-puno ako ng blessings this December. For whatever reasons, para bang gusto talaga ipa-feel sa akin na this Christmas is different. From our presscon, pag-uwi ko ng bahay, boxes of fruits and nice beautiful server from Turkey ang sumalubong sa akin, with matching red envelopes for goodluck.

My heart is overflowing with gratitude, at this time na pandemic, heto ang gifts na ibinibigay at dumarating sa akin. Si Senator Grace Poe na talagang touched ako dahil personal na nag-text para kunin ang address ko, si Betsy Quisumbing na every year never failed to amaze me with her cute gifts na every year ayaw kong buksan, dahil sobra sa ganda ang wrapper at si Mayor Toby Tiangco na ang dami nang problema, pero tuloy pa rin ang pagbati sa special occasions.

My heart is full of gratitude, dahil lahat ng matatanggap mo this time parang blessing from above dahil sa sitwasyon natin. Si Senator Grace Poe, ‘yung thoughtfulness niya noon pa man ay talagang hindi nawawala, kaya nga lagi kong sinasabi na siya ang binoto kong presidente, pero nang manalo si Papa Digong, iginalang ko ang pinili ng bayan.

KA TUNYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with