‘Maynila,’ pahinga after 22 years!

Alam mo, Salve, ‘katuwa rin ‘yung group lunch na ipinatawag ni Manay Lolit Solis for Buhay-Partylist Representative Lito Atienza!

Si Cong. Lito kasi, talagang kilala ang entertainment press at may connect naman talaga sa showbiz dahil bukod sa tatay siya ni Kim Atienza, siya ang host/producer ng Maynila ng GMA 7. ‘Yun nga lang, hindi muna natin napapanood sa Kapuso network ang programang Maynila dahil kahit isa nga sila sa unang nakapag-taping (hindi lock-in dahil one day lang naman kada episode) sa tinatawag na “new normal” dahil sa COVID-19 pandemic, nagdesisyon si Cong. Lito na magpahinga muna ang 22-year old drama antho­logy niya.

Abonado kasi si Cong. Lito sa bawat episode ng Maynila dahil nabawasan raw ang adverti­sers nitong panahon ng pandemic. Pero since maganda naman ang relasyon ng kanilang production company sa Kapuso network, kapag ok na raw, babalik uli ang Maynila!

Anyway, hindi naman siya nami-miss ng kanyang fans dahil from Monday to Friday naman ay napapanood sa Facebook page ng Buhay-Partylist ang online show niya na Buhay Mahalaga kung saan ay walang takot si Cong. Lito na sinasagot ang lahat ng mga issue sa gobyerno’t lipunan, huh! ‘Kaaliw nga si Cong. Lito dahil wala siyang preno-preno, huh!

Ngayon nga palang deputy speaker na siya ng Kongreso ay may mga nagtatanong kung tatakbo naman siya sa pagka-senador. Aminado naman si Cong. Lito na may mga nagko-convince sa kanya, pero he’s retiring na raw.

Sa tanong kung sino sa mga anak niya ang papalit sa kanya if ever, hindi pa siya sure, pero ang sure, si Kuya Kim daw ay hindi papasok na sa pulitika at masaya na sa mga show nito sa ABS-CBN!

Ara Arida, kinalilituhan ang pangalan

Like her fellow beauty queen and ABS-CBN actress Maxine Medina na nasa GMA 7 na (part siya ng cast ng First Yaya na kasalukuyang naka-lock-in taping), nasa Kapuso network na rin pala ang former beauty queen na si Ara Arida (na kila­lang Ariella rin).

Isa si Ara sa mga host ng Umagang Kay Ganda hanggang sa mawala na ito sa ere. Nakalabas din si Ara sa ilang series ng Kapamilya network.

Nang maka-text ko kahapon si Ara naikuwento niyang kasama siya sa The Lost Recipe na romantic-comedy series ng GMA NewsTV at pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Sabi ni Ara, gusto pa rin daw niyang makapag-host sa kahit na anong TV show kung kakayanin daw ng kanyang schedule.

Samantala, introducing naman si Ara sa Co­ming Home na Metro Manila Film Festival 2020 movie na pinagbibidahan nina former Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Ara ang nasa billing ng nasabing pelikula, kaya inusisa ko siya kung Ara na ba talaga ang gagamitin niya at wala na ang Ariella? “Kung minsan po, Ara, kung minsan naman Ariella,” sabi pa niya.

Naku, dapat linawin niya kung Ara o Ariella ba talaga ang dapat para hindi malito ang fans, huh! ‘Yun na!

 

Show comments